Chasing and Living Dreams
_ _ _ _ _
"IS she alright?"
"Yes, she will. Pero sa ngayon, kailangan niya munang bumawi sa mga dugo at lakas na nawala sa kanya. Please call her guardian also, because without her guardian hanggang dito lang ang pwede naming gawin para sa kanya. We need permission first before doing anything more serious."
Nagising ang diwa ko at narinig ang pag-uusap ng doktor at ng lalaking hindi ko pa makilala.
Ilang saglit pa ay iminulat ko na ang aking mga mata. Napansin naman agad iyon ng binatang nakatayo sa tabi ng hinihigaan ko.
"Kezira" tawag nito sa akin at inalalayan akong bumangon sa pagkakahiga. "May masakit ba sayo?"
Biglang may kumirot sa kaliwang parte ng likod malapit sa spinal cord kaya inabot ko ito, impit akong napadaing dahil sa hapdi nung nahawakan ko na ito.
Naalala kong ito yung tumama sa matulis na sanga ng puno.
"Nasaan ako?" pag-iiba ko ng usapan, naiilang kasi ako dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, hindi ko alam kung umabot ba sa dalawang pulgada ang layo ng ilong namin.
Nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon niya mula sa pag-aalala ay napalitan ng pagtataka, lumayo na siya at bumalik sa pagkakatayo ng tuwid. Umarko ang kaliwang kilay niya. "Seriously, Kezira. Hindi mo alam kung nasaan ka?" paniniguro niya. Nag-iilusyon lang ba ako o talagang may kakaiba talaga sa pagbanggit niya sa pangalan ko, tila sinanay niya ito ng napakaraming beses, masyado kasing fluent at masarap sa pandinig.
Juskomariyahusep Kezira, umayos ka nga! Nahospital ka na nga, nagawa mo pang mag-isip ng ganyan?!
Inayos ko ang pagkakaupo at tumikhim muna bago magsalita. "Hindi ba pwedeng naniniguro lang?" balik ko sa kanya.
Ewan ko ba kung sino sa mga emotions ng Inside Out ang kumukontrol sa lalaking 'to, ang bilis magbago ng ekspresyon. Parang naka-automatic. Ang kaninang nag-aalala ay napalitan ng pagtataka, tapos ngayon ang seryusong ekspresyon ay naging masaya sa isang kisap-mata.
Humilig ang ulo niya saglit at mahinang tumawa. "My cousin was right, mataas nga ang anger issue mo."
"At pa'no mo naman nasabi?!" hindi kami close para basta-basta miya lang sabihin iyon.
"Look at your face, para ka nang kamatis sa pamumula at nagkakasagupa na rin yung mga kilay mo."
Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko, at totoo nga ang sinasabi niya dahil nag-iinit ang mukha ko at kunti nalang ay magkakaisa na ang mga kilay ko dahil sa pagkakadikit. Napayuko naman ako.
Narinig ko siyang tumikhim. "By the way, congratulations. You are still on Top 1" aniya, nakuha ko naman agad ang tinutukoy niya.
Tiningala ko siya at magpapasalamat na sana ako nung biglang tumigil ang ikot ng mundo sa pagtatapo ng mga mata namin. Tumahimik ang paligid kaya narinig at naramdaman ko ang paghinto ng puso ko kasunod ang malalakas na bugso ng pagpintig nito.
Napaka-genuine ng ngiti niya, walang halong kaplastikan. Nakayuko siya sa akin habang nakatayo habang ako ay nakatingala sa kanya. Dito ako mabigyan ng pagkakataong pagmasdan ang hitsura niya.
Makakapal ang mga kilay, mahahabang pilik-mata, inosente ang mga titig niya ngunit kung pagmamasdang mabuti ay maraming nakatago sa kulay kayumanggi niyang mga mata. Hindi ito singkit pero nagmumukha itong babae sa unang tingin. May katangusan at manipis ang ilong, at manipis at mapupulang mga labi. Hindi ko matukoy kung diamond ba o heart and hugis ng kanyang mukha dahil sa gupit niyang parang si Rukawa ng Slam Dunk.
BINABASA MO ANG
Dream and Dreams
Teen FictionKezira, a high school student running for valedictorian. She always believes that every dream will come true kung pagsisikapan mo ito, and connecting your dreams when you're asleep and your dream in reality is the best way to achieve your goals. And...