Chapter VII

2 0 0
                                    

A/N: I suggest to listen 'I need you' by Leann Rimes while reading this para mas feel na feel. Lovelots! Mwa♥

Nightmares are Dreams Too

_ _ _ _ _

PARANG isang kisap-mata lang ang mga nagdaan, ngayon ay tapos na ang third quarter at ito na ang huling sabak namin sa exam. Sa ikaapat na kwarter ay puro projects nalang ang i-c-comply.

Ngayong araw ay katatapos lang namin sa final research defense namin. Hindi naman ganun kahirap ang research topic dahil accessible to naman ang lahat ng resources from the materials, texts and other related matters. At ngayon ay naghihintay nalang ng results pati na rin ang ranking.

Abala ako sa panghuhugas ng mga pinagkainan nangarinig kong tumunog ang phone ko, I guess a message from my friends or mama and papa. Pero nakakapagtakang ngayon pang alas onse na ng gabi naisipang mag message sakin, eh kung natutulog na ako ngayon edi sana bukas ko pa ito mababasa.

Baka may sunog na naman......

Lumabas muna ako at sinilip ang mga kapit bahay, maayus naman ang lahat.

Nang makabalik na ako sa loob ay nagtungo na agad ako sa lababo upang tapusin ang gawain. Pero ilang segundo lang ang lumipas may biglaang kumatok kaya nagtungo ulit ako sa may pinto upang pagbuksan ito.

"Oh, Carlo. Ikaw pala" bungad ko, classmate ko pala. Siya yung minsan na ring nanligaw sakin noon pero agad kong nireject, why? Because he looks like a psychopath. Hindi naman sa judgemental ako or naniniwala sa mga akala, but his dialogues and behaviors makes it obvious. Siya yung current top 5 nitong midsem.

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay ay iwinagayway. "Hey, Kez. It's been a while since our last conversation with each other." aniya. "Pwede ba'ng pumasok?" dugtong niya.

Simple akong ngumiti at dahan-dahang niluwagan ang pinto, agad naman siyang pumasok at umupo sa sofa. Yakap-yakap niya ang kanyang sarili.

"Buti nalang medyo maligamgam ang temperatura ng bahay mo, kanina pa kasi ako sa labas ehh" turan niya.

Napatango naman ako at tumungo sa kusina. "Saglit lang, magtitimpla lang ako ng kape. Ano ba gusto mo, puro o yung may creamer?"

Ngumiti siya sakin at medyo nailang pa ako dahil bago siya sumagot ay pinasadahan niya muna ako ng tingin mula paa pataas. "Kahit ano basta masarap" saad niya sabay ngisi, simple lang ang pagkakausal niya pero parang nasindak ako ng kunti.

Dali-dali na akong nagtungo sa mini cabinet at humanap ng kape na posible niyang magustuhan. Okay naman na siguro yung 3in1 noh?

Naiilang talaga ako, lalo pa't naka dolphin shorts lang ako bagaman may kalakihan ang white t-shirt ko.

Pagbalik ko ng sala ay bumungad sakin ang nakangiting si Carlo at agad na tinanggap ang kapeng dala-dala ko.

Aaminin kong may maibubuga naman si Carlo. Mula sa maputi nitong kutis na halatang alagang alaga, tangkad na 5'8, shiny black wolf-cut hair nito na bumagay sa diamond shape ng mukha. Makakapal ang mga kilay at matangos ang ilong, medyo may kahabaan ang mga pilik-mata at manipis ang mga labi, at ang mas nakakabighani rito ay ang berde nitong eyeballs.

"Ang sarap mo palang magtimpla" aniya na nagpabalik sa ulirat ko. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

Napaiwas naman ako ng tingin at nagtungo sa bar na humahati sa sala at kusina.

Dream and DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon