Chapter IV

5 2 1
                                    

Where Dreams Come True

_ _ _ _

ALAS NUWEBE ang simula ng examination. Fifty minutes, bawat isang subject at may seven subjects kami ngayong first semester. Pero limang subjects lang ang may exam dahil yung iba hindi na kailangan. May projects kaming naicomply.

Kahit naman isa ako sa mga may ibubuga, hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Mahirap kumampante, bawal magfail

Illang minuto ang nakalipas nang sa wakas ay dumating na ang circle of friends ko.

Nagsisitakbuhan pa ang mga ito, trenta minutos pa naman bago magsimula ang exam. Nagkakanda sigaw pa sila dahil sa putik na dumidikit sa mga sapatos nila, sa quadrangle ba naman dumaan para mag short cut. Tinutoo rin nila ang plinanong suotin ng mga bruha. Buti nalang sinuot ko rin yung akin.

Same feathers, flocks together I guess.....

Hinihingal na umupo sa tabi ko si Rhea habang ang tatlo naman ay nakatayo habang habol-habol pa ang hininga.

Isang hampas sa balikat ang natamo ko kay Rhea. Nandito kami ngayon sa umbrella na paborito naming tambayan, malapit kasi rito yung room kung saan gaganapin ang examination.

"Hoy, shuta ka! Hindi mo manlang kami hinintay!" Bulyaw nito sa aking tenga.

"Tsk, sa hitsura kong 'to hindi pala kayo hinintay? Edi sana......"

"Edi sana nasa loob na ako ngayon ng classroom kung hindi ko kayo hinintay" pagputol niya sa sasabihin ko sana. Ginagaya pa ang istilo ng aking pananalita. Sa kanilang lahat si Rhea talaga ang mas nakakakabisado sa akin.

"Diba we told you to wait us sa labas ng gate?" Singit ni Jolina.

"Ayoko, nagmumukha akong pulubi o sekyu" tugon ko.

"Ehh... wala ka naman sa guard house para mapagkamalan. At alam ng lahat kung sino ka" ani Jovina. Hindi ko nalang ito sinagot.

"I told you guyz kanina, na Kez will refuse to wait us outside the campus because it was mainit" correct ka dyan behh......

"Tss..... kayang tapatan yan ng kahanginan natin, GAS tayo diba?" biro ni Rhea.

Yes, we're from section General Academic Strand. Nakakapagtaka nasa amin ang kadalasan sa nasa Top, dahil wala naman talagang first and last section sa senior high dito samin. Ang mga nasa Science Technology Engineering Mathematics ay sa science at math lang talaga nag e-exel. Kumbaga sa bawat section dito may kanya kanyang parte. Samin lang ang halo-halo.

Maya-maya pa ay ipinatawag na kami ng adviser namin.

Pagkapasok ko palang ay kanang paa ang una kong ipinasok sa room. Ayun daw kasi sa matatanda, ganun dapat yun. At ang gagamitin ko namang ballpen ay dala-dala ko pa sa simbahan kahapon at ipinagdasal ko pa ito.

Alam kong masyadong makaluma, pero iba pa rin ang swerte ng mga malakas ang pananampalataya. Ganito naman talaga ako palagi that's why I never failed to everything that I wished.

Pagkatapos ng dalawang subjects, binigyan muna kami ng chance na magrefresh. Nagtungo na agad ako sa cafeteria at bumili ng maraming chocolates at isang bottled orange juice.

Dahil mahaba-haba pa naman ang oras ay napagdesisyonan ko na lang munang tumambay dito. Umupo ako sa may pinakagilid para hindi masyadong maingay.

"Ano ba, saan ba kasi tayo pupunta?" Iritang ani Rhea.

Nandito kami ngayon sa first floor ng building namin at parang may hinahanap.

"Hayaan mo na, baka may naiwan." Rinig kong saad ni Shikaina.

Nakasuot kami ng pulang toga. Personalized ito ng school namin kaya ganito an kulay nito.

Bigla akong napa-aray nang may tumamang crumpled paper sa kanang bahagi ng ulo ko. Nang tuluyan nang nasa sahig ang papel ay napansin kong parang may nakasulat doon.

"Sandali!" Untag ko sa nagrereklamo kong kaibigan. Kinuha ko ang papel at dahan-dahan itong binuksan.

Hindi ko alam kung bakit nakasulat doon ang exact location ng classroom namin.

Binalingan ko ang mga kaibigan ko. "Dito nalang kayo. May pupuntahan lang ako."

Hindi ko na narinig pa ang tugon ng mga kaibigan ko dahil natagpuan ko nalang ang sarili ko na biglang napunta sa third floor kahit kaaapak ko palang sa unang hagdan sa first floor.

Lakad-takbo kong tinungo ang room namin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Parang tumatalon ang puso ko sa pinaghalong kaba at........... saya?

Pagkarating ko sa classroom namin, nadatnan ko ang isang lalaking nakaupo sa desk ng adviser namin sa harap, yung nasa tapat ng blackboard. Pa-side view siyang nakaupo, mula hita hanggang tuhod ng kanyang kanang paa ay naka-hang habang ang kaliwa naman ay nakaapak sa lupa.

Nakasabit sa isang silya ang toga niya kaya naman tumambad sa akin ang suot niyang white long sleeves polo shirt na walang neck tie, nakabukas ang pinakataas na butones at black slocks na pinarisan ng formal shoes.

Medyo maskulado ang katawan na nasa limang talampakan at walong pulgada ang taas, nahiya ang 5'0 kong height, I know I'm cute. Maputi ang kutis at ang istilo ng kanyang buhok ay katulad ng mga sikat na kpop group. Hindi ko alam ang tawag dun, army cut lang ang kilala ko.

Prente siyang nakaupo at nakaharap sakin. "Antagal mo." Kalmadong aniya, bigla namang nagsitayuan ang mga natutulog kong balahibo sa may batok at balikat pababa sa siko. Napakasarap pakinggan, tila isang kalmadong musika.

Teka..... kilala ko ang boses na iyon, narinig ko na iyon!

Sobrang kalmado na parang "Sorry na" kusang lumabas sa bibig ko, hindi ko napigilan. Nahi-hipnotismo ng lalaking ito ang buong pagkatao ko.

Nakakapagtaka na kahit hindi ko naaaninag ang mukha nito dahil parang naka motion blur ay alam kong nakangiti ito........ may maibubuga rin, tantya ko.

Nakaramdam ko nalang na nakalapit na pala siya nung kinabig niya ang bewang ko gamit ang kanan niyang kamay at ikinulong ako sa kanyang mga bisig. At natagpuan ko nalang ang sarili kong magkalapit na pala ang aming mga mukha.

Ngumiti na naman siya, alam ko kahit hindi ko nakikita. At hindi nagtagal ay unti-unti nang lumalapat ang malambot niyang mga labi.

Ramdam na ramdam ko ito kahit mulat ako na nasa panaginip lang ako......

Panaginip?

"SABI KO NA NGABA, DITO KA NAMIN MAHAHANAP!" nakabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang napakalakas at napakatinign na boses ni Rhea.

Panaginip ko iyun kagabi, nakakapanibago. Hindi ito kagaya ng mga inaasahan kong dadalaw sa bawat pagtulog ko.

"Hoy aber! Malalim ata iniisip mo ah!" untag sakin ni Rhea nang makaupo siya sa tabi ko. Umupo naman yung tatlo sa harap namin.

"What's on your mind, baby gurl?" usisa ni Jolina, sa mga mata niya ay halatang gusto talaga niyang malaman ang nasa isip ko.

"Huh? Ah, wala." Tugon ko at umiling. Bumagsak naman ang mga balikat niya.

"Anyways, napansin niyo yung ibang section kanina? Yung nakasabay natin sa second subject? May pogi sa may gilid! Katabi lang ng inuupuan ni Kezira kanina. Sayang umalis agad siya, hindi sila nagkatagpo ng landas. Nahuli ng dating si kuya." Pag-iiba ng usapan ni Shikaina.

"Gaga!" Binatukan siya ni Jovina, napadaing naman siya. "Pinsan namin yun!" Pagbibigay alam nito sa kanya.

"Yeah, he's from ABM." dagdag ni Jolina.

"Haysstt, I had a dream last night. I found myself in the world where all my dreams come true, as in totoo talaga. Only to face reality in the morning.......psshh" dinig kong inis na ani Shikaina.

Napakarami pa nilang pinag-usapan ngunit hindi ko na ito maintindihan dahil nilamon na naman ng isipin tungkol sa panaginip ko ang isip ko.

Sino ka ba?

Ellie Writes

Dream and DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon