Chapter III

11 6 0
                                    

Heart's Desire, Plan for Success

_ _ _

HINGAL NA HINGAL, hindi ko alam kung saang direksyon ako tutungo. Bawat lilingunan kong daan ay puro matatayog at matatabang puno lang ang humaharap sa akin.

"Tulong!" hiyaw ko, ngunit tila walang nakaririnig. Halos maubosan na ako ng hangin dahil kanina pa ako sumisigaw, hindi ko alam kung kailan nagsimula. Baka sakaling may dumating na makapagliligtas sa akin.

Isang kaluskos mula sa madilim na bahagi ng masukal na gubat na ito ang nagpatigil sa akin sa paulit ulit na pagsigaw.

"Puro nalang ikaw!" dinig kong sigaw ngunit mahina ito, tinig na di ko alam kung saan ba talaga nagmumula.

Nangangatog na ang mga tuhod ko at nanginginig na rin ang buong katawan. "Sino ka?!" pinatatag ko ang sarili ko. Wala na akong ibang aasahan sa oras na ito, kundi ang sarili ko.

"Wala kang ibang iniisip kundi ang sarili mo! Sa tingin mo ikaw lang ang may pangarap, ikaw lang ang nangangarap?" Nag-e-echo ang boses nito. Sa tono niya ay nararamdaman kong may halong tampo, galit, at hindi ko maipaliwanag na emosyon.

"Lumabas ka! Harapin mo ako!" dahil sa sinabi ng boses na iyon ay unti unting umusbong ang galit sa aking puso. Kung pangarap ko ang pag uusapan, ay talagang hindi ako magpapatalo.

Narinig ko ang pagak na tawa ng di ko makilalang boses, masyado kasi itong malalim. "Hanapin mo ako. Bilisan mo, dahil sa oras na mahuli ka. Lahat ng minimithi mo ay tuluyan nang maglalaho." at bigla itong humagikhik habang papalayo ang boses na iyon.

"Sino ka?! Ano bang nagawa ko sayo?!"

HUMAHANGOS akong napabalikwas ng bangon. Ramdam ko ang malalaking butil ng luha na nanggagaling sa mga mata ko, umaagos narin ang mga pawis sa nuo ko. Napadaing pa ako nang sumakit ang tuhod ko nung sinubukan kong gumalaw.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko, "Ano bang nagyayari sakin?" humahagulhol kong saad sa sarili. Hawak-hawak ko pa ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay.

Wala naman akong naiisip o naaalalang problema na naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Okay ang relasyon ko sa mga magulang at kaibigan ko. Hindi rin naman ako nagkukulang ng pinansyal dahil magaling naman ako sa budgeting. Malakas ang support system ko. Wala rin naman akong nakaaway sa school para makonsensya ako.

Sinilip ko ang cellphone kong nasa bed side table ko at pinatay na ang lamp. Tinignan ko ang oras at nagsagupaan naman ang mga kilay ko nang mapag-alamang alas dos y medya palang ng madaling araw. Linggo pa ngayon. May pasok na bukas tapos nagkakaganito ako. Makakaapekto ito sa exam bukas.

Kinuha ko nalang ang 3I's kong libro at nag-advance study na para sa susunod na sem. Nabili ko ang libro sa haul nila Cherry dahil palihim niyang ipinaalam sakin na may limang librong ibinigay ng school sa kanila dahil magpapalit na raw ng cover ang libro pero pareho lang naman ang mga nilalaman.

Inulit ko nalang din yung nireview namin ng mga kaibigan ko nitong mga nakaraang araw. Hindi naman na ako magrereview mamaya para hindi ako mainformation overload.

Bandang alas kwatro y medya ay nagsimula na akong maghanda. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa simbahan. Nilakad ko nalang ito dahil nasa kabilang kanto lang naman ito.

Isang yellow floral dress ang suot ko ngayon. Katulad ng philipiniana ang manggas nito, ang haba naman ng saya abot hanggang ibaba ng tuhod ko.

Pagkarating ko ay nagsisimula palang ang mesa. Umupo na ako sa may pinakahuli sa tabi ng aisle dahil yun nalang din ang blangko.

Dream and DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon