Chapter 5 : The mischievous Suitor

26 1 0
                                    






QUISA'S POV




Labis na pagkagulat ang sumalubong sa'kin pagkauweng-pagkauwe ko ng bahay.Nasa may tapat pa lamang kasi ako ng tindahan ni Aling Salve ay kitang kita ko na ang mga marites at maritos na nagdudungawan sa may tapat ng aming bahay.




Kapuna-puna din ang isang itim na kotse at isang mini track na puti na nakaparada sa may tapat ng bahay namin.






May bisita kami?

Sino naman kaya yun?






"Makikiraan po".





Pagpukaw ko sa atensyon ng mga chismosang kapitbahay.Pati mga bataang tambay ay nakiki usyosyo din .





Napansin ko na mayroong isang black big bike na hindi ko alam kung kanino.Napakaganda namang motor niyan at nakakalakas ng dating kung sasakyan .Pero dahil hindi naman ako marunon gumamit niyan ,naku ekis na ata yan sakin.






Nagtuloy-tuloy ako at agad na nagulat sa sumalubong sa akin.






"Ate Illya....!!"





Malakas na sigaw ng triplets kong mga prinsipe.Opu,triplets po sila at puro lalaki ,ang mga nakababatang kapatid ko.Napakapopogi at cute po ng mga iyan,manang mana sakin.


Ang totoo nyan kay papa po talaga sila nagmana,parang pinagbiyak na buko nga po ang itsura nila.Ang ugali nga lang po ang hindi ko pa sigurado kung pati ba iyon ay kay papa din nila namana.




Bata pa po kasi ang mga iyan at kakasimula pa lamang mag grade 1.



Hoy....grabii ka na dyan..



Ito namang utak ko mapanakit,lagi nalang nakontra sa gusto ko.






Ang totoo po niyan ay first year college na po silang tatlo at napaka babait at tatalino pa.Kaya naman kahit na malaki ang gastusin nila sa university ay itinataguyod namin sila ni papa.Late enrollees na kasi sila kaya hindi nagawang makapag apply ng schoolarship noon.Akala ko nga mahihinto sila sa pag aaral mabuti na lamang at mas pinili kami ni papa kaysa ang pagiging sundalo niya.





Sundalo po si papa at may ranggo sa camp nila,at dahil sa mabuti nitong pakikisama sa kapwa sundalo at kagalingan sa serbisyo ay kinagiliwan ng mga opisyal .





Maliit pa lamang kami ay hindi na namin nakakasama ng madalas si papa ngunit pinapayagan naman siyang makauwe pag may okasyon sa bahay noon.Close na close daw niya ang Heneral nila kaya napagbibigyan sya noon.





Kung itatanong nyo po kung nasaan si Mama ang sagot ay hindi ko po alam.Wala pong nakaalam sa amin maging si papa.Ang totoo po niyan ay nakatanggap si papa ng sulat na gawa ni mama at sinabing umuwe na dito sa bahay dahil iniwan na kami nitong magkakapatid.



Ano man ang kadahilanan niya kung bakit nya kami iniwan noon,may part pa rin sa akin p sa aming magkakapatid na may galit dahil sa ginawa niya.Sinubukan itong hanapin ni papa noong unang taon na nawala itong parang bula ngunit ni anino nito ay hindi natagpuan.





"Mahirap hanapin ang aayaw magpahanap"





Iyan ang katagang binitiwan ni papa kasabay ng pagtanggap nito na tuluyan na nga siyang nawalan ng asawa.Gayun din ang ipinaunawa nito sa amin ngunit ayaw niya na magtanim kami ng galit.Pero hindi naman maiiwasan iyon dahil mga anak niya kami,at kung sana ipinaliwanag niya sa akin man lamang ang dahilan niya baka maari ko pang maipaintindi maging sa mga kapatid ko .







"MY GUILTY PLEASURE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon