QUISIA'S POVIt's been a week mula noong sagutin ko si Rael ,kung dati halos araw-arawin na nyang dito kumaen sa bahay ngayon ay talagang hindi na sya mapigilan.Siya na din mismo ang nagsabi kay Papa at sa mga kapatid ko na mapapadalas ang pakikisalo niya samin ng hapunan.Hindi ako sumang-ayon sa kaniya noong una dahil ayaw ko din naman na mawalan na ito ng oras sa pamilya niya pero nagpaalam naman daw siya sa grand parents niya at pimayag ang mga ito kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang payagan na lang din siya.
Ngayon nga ay nandito kami sa supermarket para magrocery.Siya mismo ang nagpresinta na mag-grocery kami ngayon para daw hindi na maubusan ng stocks sa bahay.Akalain nyo na sa payat nyang iyan ay mas malakas pang kumaen sakin.Paborito nya talaga ang tortang talong at sinigang na manok.Hindi daw siya nakakatikim ng ganoong mga luto maliban sa nilagang baka at baboy pero kahit tinola ay ako daw ang unang nakapagpatikim sa kaniya.
"Tummy how about this one? Isn't the one you always putting on my coffee?"
Huli pero di' kulong!
Ayan napakagaling naman,akala ko hindi niya malalaman ang tungkol sa bagay na iyan.Eto kasi siya ngayon at hawak-hawak na ang malaking plastic pack ng milo!Jusko ka!napakagaling at hindi mauutakan ang isang to'may mata yata sa likod kaya nalaman nya pati sekreto ko.
"Ahm...y-eah pero much better kung yung nasa sachet packs na lang para tantsado na agad pag inilagay."
"What do you mean tat—chado? I haven't heard that word before"
"Means sakto na..yung hindi na kailangan pang takalin o sukatin "tan-tsa-do".
"I think there's a lot of Tagalog words na hindi ko pa alam."
"Akala ko ba fluent ka na sa salita namin?"
"I'am but there's a lot of deep words na hindi ko pa alam you know naman na hindi ako dito lumaki at nag aral and sometimes I got confuse on Spanish and Tagalog words."
"Alright,tell me if you want to know something okay?"
"Thanks...here ..let's buy a lot of this ."
"No...no...no...okay na'tong 2 packs madami na ang laman nito ."
"No...I insist...para sa bahay nyo at sa office okay?"
Jusko naman kung ano-anong pinaglalalagay nito sa push cart namin ako naman itong taga tanggal pag hindi sya nakatingin.Baka mamaya abutin ng libo-libo tong grocery bill namin dahil lahat yata ng madaanan namin may kinukuha sya!
"Why Filipino brand names is so weird?Look at this one...Silver Swan ?Gawa ba sa swan ang suka na to' pwede ba yun Tummy?"
"Hahahahaha...."
"What's funny?"
"N-othing hehe...ikaw kasi syempre hindi po...at tsaka hindi ko din po alam kung bakit ganiyan ang naisipan ipangalan dyan...eh yung Jollibee nga mula bata pa lang ako iniisip ko na kung bakit ganun ang pangalan eh fried chicken naman ang tinitinda nila hindi bubuyog...tapos ngayon dadagdagan mo pa po isipin ko?"
"Then why don't you try looking on the Google maybe you can find something related to your curiousity?"
"Naku wag na po...nanloloko lang yan si Google para kumita ng malaki..."
"I can't understand you sometimes Tummy!"
Hindi ko na lang sinagot ang kasama ko at panigurado hindi titigil ang isa na'to.Nagpunta na kami sa frozen foods syempre number one na ang Tender juicy hotdog na paborito ko,Tocino naman ang gustong-gusto noong triplets at si Papa...wala syang hilig sa mga ganito pero kumakaen naman sya but mas gusto nya kasi yung mga fresh foods gaya ng sea foods lalo na ang fish.