Chapter 7: Paper cuts

31 1 0
                                    







QUISIA'S POV

Umagang-umaga pa lang nakahalumbaba na ako dito sa may desk ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Umagang-umaga pa lang nakahalumbaba na ako dito sa may desk ko.Mabuti na lang at may early meeting si Miss Rael ngayon dahil kung hindi....kukulitin na naman ako nun ...

Haystttt...


Di pa rin ako makapaniwala na gusto ako ni Miss...Panu ba naman kasi ang ganda-ganda at ang yaman-yaman nya tapos ang daming nanliligaw sa kanya na mga sikat na artista .Pati nga iyong kambal na fashion model na crush na crush ng friend ko na si Nicole ay baliw na baliw kay Miss tapos....


Jusko na man nagayuma ko ba si Ma'am sa kakatimpla ko ng kape nya?

Baka naman yung sandwich na may spam at hindi ham na palagi ko din binibigay sa kanya pag umaga...


O baka anu Illya?

Ano ka ba wag ka ng sumabat dyan namombrema na nga yung tao dadagdag ka pa?




Yan...pati sarili ko inaaway ko na nang dahil sayo Ma'am Rael.

Pero kasi nung first date namin ramdam ko ang pagiging seryoso ni Ma'am kaya nga pinayagan ko na ito sa gusto nitong panliligaw sa akin.


Pero naman....

Mag iisang buwan iyon at halos mamatay na ata ang mga langgam sa sobrang kasweetan nya .Jusko lord....hindi ko po talaga inaasahan ang mga pinag gagawa niya.


Araw-araw niya akong sinusundo at hinahatid sa bahay...

Palagi kaming magkasabay kumaen ng lunch kahit na sobrang busy nya minsan ay gagawa sya ng way para lang magkasabay kami.

Minsan nga nakipag meeting sya sa mga investor sa Tagaytay ang ginawa nya ay pinasundo ako sa family driver nila at doon nga ako dinala.

Hindi na rin kami umuwe nung araw na yun meron pa lang house si Miss doon at dun kami nagpalipas ng gabi pagkatapos naming mamasyal .

Every morning sa bahay na sya nag aagahan kaya yung breakfast nya na madalas ginagawa sa office ay nabago na.

Sarap na sarap pa si Miss nung minsan magluto ako ng sinangag at tuyo tapos may tortang talong na hindi nya din alam kung anong tawag dun...yung totoo tao ba si Ma'am?.Tapos nag fried lang ako ng tender juicy hotdog at scrambled egg na nilagyan ko ng madaming kamatis favorite ko kasi yan...hahaha.

Hindi pa pala nakakain nang ganun si Ma'am.Sabi nya kasi hindi daw talaga sya kumakaen ng breakfast dati kaso ang mamu nya daw which is her lola pala ay pinapagalitan sya kaya ayon kesa daw magtampo mamu nya sinunod na lamang niya.


Pero light lang daw ang kaya nyang kainin kaya nga sandwich or toast lang palagi ginagawa ko kasi yun ang request niya..


Tapos nakatikim lang ng adobo rice at tortang talong nakalimutan na nya yun lahat.


"MY GUILTY PLEASURE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon