QUISIA'S POV"Miss Alonso kindly proceed to the CEO's office right now"
Hindi pa man kami nakakapasok sa entrance ng cafeteria ay ayan na agad ang bumungad sa'kin.Kasama ko kasi ngayon ang kaibigan kong si Nicole at mag eearly lunch break na sana kami kahit 11:30 A.M pa lamang.
Nakatanggap kasi ako ng call sa boss namin na mamaya pa raw after lunch sya makakapasuk supposedly around 1:00 o'clock in the afternoon.At sinabihan pa ako na maaring mag take ng early lunch break pero eto na agad ang bungad samin .
Pati yung morning meetings nya kanina ay pinacancel nya ng biglaan sa'kin mabuti na lamang at hindi yung mga bagong investor yun kung hindi mukha ko na naman ang ihaharap ko para humingi ng personal na dispensa sa mga yun.hay naku talaga ,minsan hindi ko na din naiintindihan ang kinikilos nyang boss na min lalo na't hindi naman iyan ganiyan sa'kin nung bago pa lamang ako dito.
Parang may angel daw na bumulong sa tenga ng boss namin,iyan ang chismis ng mga co-workers ko kasi bigla nalang daw nabawasan ang katarayan nito.Gayun pa man,kung tutuusin ay tama lamang ang timpla at ugali ng boss namin para sa'kin ,kasi mas madaling sinusunod ng mga empleyado ang matapang at nakakatakot na pinuno.
"Sige na Nic mauna kana maglunch baka kasi importante yun."
Pag papaalam ko sa friend ka na si Nicole.
"Okay,buy na lang kita ng drinks at sandwich mo baka kasi hindi kana naman kumain niyan at malipasan kapa ng gutom."
"Sige ,salamat mamaya ko na lang babayaran sayo".
"No need na ,sige na punta kana dun baka maging amazona pa yang boss mo sige ka!"
Pananakot pa nito sakin.
Strikto kasi si Ma'am Rayella may pagka perfectionist din ito pero siguro kahit naman sinong pinuno ng kompanyang ganito kalaki ay magiging ganun din ang pag uugali.Mabigat ang hawak nyang responsibilidad hindi lamang sa mga investors at share holders kundi pati na rin sa mga empleyado at customers.Valid yung reason nya kaya nga humahanga ang karamihan kay Ma'am kahit na inimidating ang aura nito palagi.
Agad akong nagtungo sa office niya sa 10th floor.Kumatok lamang ako ng dalawang beses tsaka pumasok sa loob.
"Finally!"
Masiglang bungad sakin ng babaeng pinsan ni Ma'am.Ou kilala namin iyang lahat dito kasi halos dito na din tumira o magtrabaho iyang si Miss Soleil.Araw-araw din niyang kinukulit si Ma'am kahit na office hours.Minsan nga natutukso na akong tanungin ang boss ko kung may work ba iyang si Miss Soleil ei.
Napakaganda ni Mis Soleil,Mga ilang pulgada ang lamang nito sa'kin kung tutuusin.May balingkinitang pangangatawan at ang kurba nito ay tulad ng sa mga modelo sa magazines at internet.Likas din na pinagpala ang hinaharap nito kesa sa karamihan.
May mapuputi na ngipin at napakagandang kulay asul na mga mata.Hindi kataka-taka na mapagka malaang magkapatid ang boss ko at itong si Miss Soleil.Malaki kasi ang pagkakahawig ng mga ito sa isa't isa.Pero may ibang shades ng blue ang mga mata ng boss ko,at higit na mas dark iyon.
Napabalik ako sa ulirat ko ng hawakan ni Miss Soleil ang mga kamay ko .Bagay na labis kong ikinabigla.
"You're first name is Illysia right?"
![](https://img.wattpad.com/cover/371255653-288-k890495.jpg)