QUISIA'S POV"Babiiiii bilis na kwento mo na sakin...ang daya mo naman eh di ba ang usapan natin pag nagawa mo na yun sasabihin mo sakin naging reaction ni lablab?"
"Mamaya na lang Sol baka hinahanap na ako ni Tummy sa baba kasi."
"NO!!! Hindi pwede dali na babi kwento mo na kahit konti lang"
Ang kulit talaga ni Sol,naniniwala na ako ngayon kay Tummy na nakakaubos ng pasensya itong pinsan niya.Nandito kasi ako sa shared room namin ni Tummy sinabi ko lang kay Tummy na magpapalit ako kasi naiinitan ako pero ang isang to'mabilis pa kay the flash na nasundan ako dito sa room namin.
Right,nandito na kasi kami sa Boracay actually kararating lang namin kani-kanina ,kasama ko yung triplets pero si Papa hindi talaga nakasama sa susunod na lang daw kasi importante daw yung home service niya bukas.Hindi na namin pinilit pa kasi baka biglang magka-instant step mother agad kami ,sa pogi ba naman ni Papa at hanggang ngayon maintain pa din ang matipuno niyang pangangatakawan ,banat kasi sa pagbubuhat sa talyer yun at sa water station namin.
Yung triplets naman na sina Elliot, Ellonn at Ellijah ay ayun,nagpunta na agad sa dagat kahit ang aga-aga pa ay excited ang mga yun kala mo mauubusan ng tubig dagat eh."Quinn "lahat ang second name ng triplets namin tapos ako naman ang "Quinna" parang reyna tuloy pakinggan.Buti na lang at may mga marks ang mga iyan kaya hindi na ako nalilito ,dati kasi halos mabaliw ako sa tatlo na yun kung sino-sino sila panu ba naman talagang iisa ang itsura.
I think I won't be dreaming to have even twins!Jusko napakahirap!
"Okay...basta not now Sol panigurado kasing hinahanap na ako ni Tummy sa baba at kung ayaw mong kurutin ka nanaman ng little kitten ko ay bumaba na tayo roon!"
"Little kitten?babi little dragon ang jowa mo hindi kitten naku ka nagbabalat kayo' lang yun pag ikaw ang kasama pero pag ako na hmmmp! Manang-mana yan kay Mama kaya siya ganiyan."
"You mean her mother?You also call her Mama?"
"Yeah Mama ang tawag ko sa Mommy niya at Dada naman sa daddy niya kasi maganda ako!!!"
Hahaha ano kayang konek nun?
Nakasout lang ako ng plain white shirt na medyo loose tinuck-in ko lang din sa white maong shorts ko .Hindi pa naman ako maliligo kasi manananghalian daw muna kami tapos sa bandang hapon kami magswimming sabi ng reyna ko.
"What took you so long?Nagpalit ka lang naman halos mag kakalahating oras kang nawala?Nambababae ka na naman ba Alonso huh?"
Yan na nga ba ang sinasabi ko sa Sol na'to eh...alam naman niyang tamang-hinala palagi tong pinsan niya .Pag ako talaga hindi nakakaen mamamya I mean ...pagkaeng tunay baka kasi gutumin ako ng mahal ko hindi pa naman kami nakakaen ng agahan kanina sa sobrang excited ng mga kapatid ko.
"A-e—-ano nag—-
"What?Bakit nauutal ka?Nakipaglandian ka ba sa receptionist na yun kanina?Yung panay ang pagpapacute sayo?Ano hindi ka sasagot kakaladkarin ko ang haliparot na yun at lulunurin ko kayo pareho sa dagat!"
Ang gagalit na ang madam nyo...tulungan nyo naman ako please!Pano ko na naman aamuin ang isang to'?Sinasabi ko na kasi...dapat ang Sol na'to ang binubugahan ng apoy at hindi ako!
"Lab—-
"Manahimik ka dimwitt !kung ayaw mong ikaw ang lunurin ko !"