RAEL'S POVI had received a message from mommy last night,they we're planning to come here in the country for a short vaccation.For me,it's unusual kasi hindi maiwan ni daddy ang company niya doon sa New York, and as far as I know busy din si Uncle kaya di ako sure kung anong naisipan nila para magbakasyon dito.
Wala pa din silang alam na may girlfriend na ako,at for sure magugulat sila pag nalaman nila ang about doon.Masyadong strikto si mommy,unlike kay daddy na cool lang at mahaba ang pasensya.Si mommy kaunting mali mo lang tatadtarin ka na agad ng mga bala na nagmumula sa bibig niya.
Actually,isa yan sa reason kaya maaga akong bumukod at umalis sa bahay namin noon.Liban sa pag-aaral ko abroad,pero mabait naman si mommy at maalaga rin.Yun nga lang talagang takot si daddy sa kaniya dahil nagiging dragon yun pag nagagalit,well,sa kanya ko lang naman namana ang magandang ugali ko,for sure alam na yan ng lahat ng nakakakilala sakin.
"Lablab!"
The trouble maker is coming!
"What?"
"Samahan mo naman ako mamaya,may bibilhin lang ako sa mall."
"I'm busy"
"Dali na kasi lablab,pretty please?"
Ang kulit!nagpapa-awa na naman ang itsura nya at kunwari may luha pa eh wala naman akong nakikita!
"No!find someone else!"
"Ehh ayaw...!ayaw ko sa iba,ikaw lang gusto ko lablab...dali na kasi.!"
"I told you hindi nga pwede,I have lunch meeting kay Mr.Arquego mamaya kaya hindi ako pwedeng umalis."
"Hmmp!!!sabihin ko kaya kina mamu na nanghihingi ka ng gamit na panty ng jowa mo?"
"Meirda!sige..subukan mo at ibubuking kita kay Barbarra na ninakaw mo ang pulang panty niya!"
"Excuse me?Ako magnanakaw?heh...for your general knowledge my lovely cousin—she gave it to me—willingly,kahit itanong mo pa sa kaniya mismo!"
What?kusang ibinigay yun sa kaniya ni Barb?Parang hindi naman kapani-paniwala ang isang to.Imposibleng magbigay ng ganoong bagay ang kaibigan ko,masyado pa namang conservative yun.This dimwitt is fooling me!Heck I'll believe her words.
"Alright,let me just call her to know that you are a BIG LIAR!"
Bigla siyang naglupasay sa sahig dito sa loob ng opisina ko, nagpapadyak at nagpapanggap na talagang umiiyak.Dapat talaga dito nag artista eh hindi modelo kasi ang galing niya mag inarte!
"Sorry na lablab,aamin na ako,wag mo na syang tawagan please?Baka tuluyan na'ko di sagutin nun eh."
See?If she knows everything about me,well that goes the same for me,walang lihim ang isang to na hindi ko alam.Lahat ng kalokohan niya mula pagkabata namin ay alam ko hanggang sa tumanda na kami ng ganito wala siyang maiitago sakin.Hindi rin nito kayang magsinungaling talaga,although sa umpisa akala mo kaya niya?Aamin at aamin yan sakin dahil hindi yan patatahimikin ng konsensya niya!
"May meeting nga ako Sol,hindi ka ba makaintindi?At isa pa,ano namang gagawin mo sa mall?halos araw-arawin mo na tuwing lunch break ang pagpunta roon!"
"May bibilhin lang ako para sa honeybunch ko,para alam mo na,baka magbago na isip nya at wag na patagalin ang ligawan stage namin..hehe."