Prologue

32 1 0
                                    

Hindi ko alam saan ako kukuha ng pera. Magtrabaho kaya ako pansamantala. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko pero kasi...tumatanggap ba sila ng menor de-edad. Wala pa ako sa tamang edad, matagal pa bago ako tumuntong sa tamang edad.





"Andra... Bakit ka ba nagmumukmok diyan? Kainin mo na 'yang pagkain mo kasi hindi yan gagalaw para subuan ka ah."





I rolled my eyes on her and sat properly. Nasa canteen kami kasi nga break time namin. Magkaklase kami ni Yanna at abm ang napili naming strand. Tutal pareho naman kaming business minded kaya eto yung napili namin, at hindi dahil magkaibigan kami. Hindi tulad ng iba diyan na pipiliin yung  strand na hindi nila gusto dahil lang nandoon yung mga kaibigan niya. Don't let yourself influence by your friends, choose the strand you want. Kasi doon ka magiging masaya, doon ka mag e-enjoy kaya piliin mo kung ano yung gusto mo.






" Nagawa mo na ba yung assignment natin?" tanong ko kasi sigurado ako hindi na naman siya gumawa ng assignment.





" Ano?!! Meron tayong assignment? Saan? Bakit..? Bakit hindi ko alam...?" sabi niya at napatayo pa siya sa kaniyang kinauupuan.






" Ang oa mo ah! Hindi mo ba nagawa yung assignment natin sa Fabm2? Alam mo naman strict si Ma'am Santos pagdating sa mga activities eh. " kinuha ko yung bag ko at binigay ko sakanya yung columnar at assignment ko. " Oh eto! mangopya kana, pagkatapos mong mangopya diyan ituturo ko sayo paano ko ginawa."






" Okay sissy ko! The best ka talaga kaya love na love kita eh, pakiss nga ako." Inilapit niya sa akin ang mukha niya na nakanguso pa ang labi.



" Sige subukan mo babawiin ko yan." banta ko sakaniya.




" Joke lang! Hindi ka talaga mabiro kahit kailan." sabi na lang ni Yanna at nagsimula ng mangopya. Ako naman kumain nalang ako kasi sa dami ng iniisip ko nakalimutan ko ng kumain.







Yanna is my childhood best friend. Bata palang kami magkasama na kami, pareho kasi kaming ulila at wala ng magulang. Meron pa akong tatay pero nalumpo siya ng maaksidente sila ni mama. Sa ngayon walang trabaho si Papa dahil sa kalagayan niya kaya siya muna ang  nagbabantay sa mga kapatid ko. Ang pinagkaiba lang namin ni Yanna wala siyang kapatid na dapat alalahanin. Ako kasi may mga kapatid pa ako na kailangang buhayin. Kaya nga nammroblema ako saan ako kukuha ng pera kasi siguradong walang tatanggap sa'kin kasi wala pa ako sa tamang edad. Hindi sapat yung pera naiwan ni mama sa amin bago siya nawala.







" Done na sissy! Turo mo na sa'kin, tapos kana bang kumain?" sabi niya at inabot na sa'kin ang columnar pad ko.







" Tapos na'kong kumain, dito ka sa tabi ko para maexplain ko ng maayos sayo." tumayo naman siya at lumipat ng upuan. Pinaliwanag ko sakaniya kung paano naging credit yung cash. Hindi pa rin niya makuha, pasalamat siya at mahaba ang pasensya ko kasi kung hindi kanina ko pa siya iniwan.





" Ganito kasi Yanna, halimbawa yung ABC company bumili ng equipments at ang ginamit niya ay pera. Ang mangyayari dahil bumili siya ng equipment, nadagdagan ang assets niya kaya siya magiging debit. At ang cash naman ay magiging credit dahil nabawasan na siya. Naiintindihan mo ba?"





Lost and FoundWhere stories live. Discover now