Chapter 1

24 1 0
                                    

Hindi pa man ako nakakarating sa classroom, dinig na dinig ko na ang malakas na boses ni Yanna. Kahit kailan itong babaeng 'to ang lakas ng boses. Ano na naman kaya ang kinukwento nito sa mga kaklase namin at kailangang nasa harap pa siya? Nasa harap kasi siya yung tipong akala mo may dinidiscuss siyang importanteng lesson at hindi dapat mamissed yung ng kahit na sino. Entertain naman mga kaklase ko, Hays!





" Feeling ko crush ako ni Rynd, my bebeloves! Imagine kung magiging kami in the future mga anteh at magkakaroon kami ng mga anak, siguradong maganda ang genes namin. Sa ganda kong 'to! 'Di na s'ya lugi, ano!" sabi niya sabay tawa ng malakas.





"Oo, Yanna. Feeling ko pag nagkaanak kayo magaganda at pogi magiging anak niyo!" sabi ng isang kong classmate.




"Oo nga! Hintayin ko nalang magiging anak niyo. Siya nalang gagawin kong baby ko." sabi ng isa ko pang kaklase.




Talagang pinilit pa oh. Para silang nagd-day dream doon. Parang tanga lang. Kaya ganyan ang kaibigan ko, eh. Delulu na siya. Hindi man lang niya nga ako napansin na dumating. Ganyan siya pag nagkukwento, hindi niya napapansin kung dumating kana ba o hindi kasi nasa mood siya magkwento.






Hinayaan ko nalang sila at umupo na'ko sa aking upuan. Iniisip ko pa rin talaga sino yung lalaki kanina. The way he looks at me I feel like he knows me than anyone else, even my best friend. Hays! Baka gano'n lang talaga siya tumingin? Nacucurios ako sakanya, ano ba yan! Iisipin ko pa tuloy siya hanggang sa pag uwi. Meron kasi akong habit na hindi ako makakatulog hanggang hindi ko nalalaman yung isang bagay.






Habang nagpapakabusy ako sa pag-iisip kung sino yung lalaki 'tsaka naman pumasok si Ma'am Santos. May kasama siyang lalaki na hindi pamilyar sa amin. Hindi ko masyadong kita kasi nakaharang si Ma'am. Pero base sa porma ng lalaki, dito siya nag aaral. Suot niya kasi ang uniform ng school namin.






"Okay class! Listen! We have a transferee from Ateneo and please be kind and respectful to him. Huwag n'yong papakita 'yang ganyang ugali niyo. Understood?" sabi ni Ma'am na may kasama pa talagang pagbukas ng kaniyang pamaypay.






And besides from that, why do we need to be kindand respectful to him? I mean, it's a given that we have to be kind andrespectful to each other because in this classroom, we're already like afamily. Sino ba siya? Importanteng tao ba siya? Pero ang tanga naman niyakasi nasa kilalang school na siya 'tsakapa siya lilipat sa public? Hindi ko naman dinidiscriminate ang public pero... kung ako ang nasa private atkilalang school, hindi na'ko aalis kasi ang ganda na nga non kasi advance silasa amin. At advantage 'yon dahil pag nasa kilalang school ka may possibility namas makuha ka sa trabaho if ever. They won't doubt your capability.






" Okay hijo, pwede kanang pumasok and please introduce yourself." Biglang sabi ni Ma'am na may kasama pang ngiti. Parang ang bait bait naman ni Ma'am ngayon. Sino ba 'tong lalaking ito at parang importanteng tao siya. Napapaamo niya kasi yung teacher namin na parang dragon pag hindi kami nakakapagpasa ng mga pinapagawa niya.






Bumuntonghininga nalang ako. Kahit naman may bago kaming kaklase hindi ko pa rin hiligang magpapansin o kaya makipagkaibigan. Nakakatamad kayang makipag-usap. Hindi rin ako talkative na tao. Pili lang mga kinakausap ko. Hindi ako friendly but I can socialize to other people if really needed. Kaya kong mag adjust. Nahihirapan din kasi akong makipagkaibigan sa ibang tao bukod sa hindi nila ako maintindihan, hindi rin ako sanay na hindi sila si Yanna.





I laughed at my own thoughts.





Sobrang gulo ko naman. Hindi naman dapat talaga ginagawang big deal yung mga ganito pero ang hirap lang talagang iwasan lalo na hindi ako friendly na tao. Hindi ko naman responsibility ang makipagkaibigan sa iba pero ang hirap talaga pag mas sanay ka na mag-isa. Atsaka mas gusto ko lang talagang mag-isa minsan. I feel peace and comfort whenever I'm alone. Pero sinusubukan ko naman na makipagkaibigan sa iba kasi siguradong matutuwa si Papa. Wala pa kasi akong naging kaibigan bukod kay Yanna. Sabi ni Papa dapat makipagkaibigan pa ako sa iba para hindi lang si Yanna ang lagi kong kasama, pero hindi ko talaga kaya. Sinusubukan ko palang...







Habang nag iingay sila hindi ko nalang sila pinansin. Wala naman akong pake kung sinoyung transferee na sinasabi ni Ma'am. Imbes na makiusyoso sakanila kung sino ba yung bago naming kaklase. Ginawa ko nalang yung assignment ko sa ibang subject. Hindi kasi ako nakagawa ng assignment sa bahay kasi inuna kong tulungan ang mga kapatid ko na tapusin ang kani-kanilang mga assignment.






Habang gumagawa ng assignment. Biglang umingay ang classroom namin. Kahit yung katabi ko na si Cey na hindi masyadong palakibo biglang naging maingay. Kaliwa't kanan din ang bulungan sa classroom namin na akala mo dumating si mingyu.







" Gago, ang pogi!"




" Sis, siya na ata yung the one ko."




" Papaheadlock sakaniya!"





"Shemay,loyal ako kay Rynd, ilayo niyo ako sa tukso!" sabi ni Yanna na may kasama pang pag pikit at pagtakip ng mata. Oa naman ng kaibigan ko kahit kailan. Sino ba yung bago naming kaklase at ganyan ang reaksyon ng halos lahat?






As I look in front, I was surprised to see him again. Biglang tumahimik ang utak ko na parang kanina lang ay parang nasa gyera at kailangang manalo laban sa mga terrorista.





Napanganga ako dahil sa gulat. Siya ba 'yon? TANGINA ang pogi nga.






" Hello, I'm Wayne Kenneth Lettiere but you can call me Kean for short." Sabi niya at ngumiti ng tipid.







Tangina! Pangalan palang pogi na. Hindi na'ko magtataka kung bakit nung nasa canteen kami marami ng mata ang nakatingin sakaniya. With that look, he will get a lot of attention. Bagay na bagay sakaniya ang uniform namin, maayos ang kaniyang buhok, moreno, mapula at makapal ang kaniyang mga labi na akala mo nakipaghalikan sa bubugyog, matangkad, pointed nose. Mapupungay ang kaniyang mga mata at parang nang-aakit ang mga ito.








" Okay Kean, you can sit beside Miss Allegretto." Nabigla ako ng biglang banggitin ni Ma'am ang apilyedo ko. Talaga naman oh, sa dami ng bakanteng upuan dito pa naisipan ni Ma'am Santos na paupuin ' tong lalaki ito. Wala namang problema sa'kin, pero naiintimidate kasi ako sakanya. Hays! Kainis!








"Ahh... Ma'am Santos? Baka pwede pong sa likod nalang po si Mr. Lettiere, kasi po may nakaupo na sa pwestong 'to." Sabi ko na puno ng pangungumnbinsi. Hindi ko man tignan, alam kong nakatingin ang dalawang pares ng matang 'yon na tila para akong hinihigop.








" Ahh... Ma'am? It's okay with me if I move a seats, I think Miss Allegretto doesn't want to sit next to me." Biglang sabi ni Kean sabay sulyap sa'kin na may kasamang ngiti sa mga labi. Bakit siya nangingiti diyan? Naasar ako sa ngiti niya. Sarcams ba 'yan?








"Noo, stay there hijo. " Aniya kay Kean. Bumaling naman siya sa'kin at pinanlakian niya ako ng kaniyang mga mata.








" Miss Allegretto, huwag ka ng magreklamo diyan." Ani Ma'am Santos. Hays! Wala na. Ano pa bang magagawa ko ay. Binaling ko ang tingin ko kay Kean. Tinignan ko siya ng masama para malaman niyang ayaw ko talagang siyang katabi. Ewan ko ba, hays! Nung una gusto ko siy-WTF!! Nooo! I don't like him, I mean I like his voice pero ngayong mas nakita ko siyang ng malapitan mas naiintimidate ako. Atsaka feeling ko 'yang mga ganiyang mukha hindi mapagkakatiwalaan. Para kasing nasa loob ang kulo. Kainis!







To be continued...

_____________________________

Gulong gulo na siya tapos si Kean nonchlant lang HAHAHAHAHA

Ang gulo rin ng pagtype ko huhu. Hindi ko kasi alam kung paano 'to gamitin huhuhu.



Hi Tinks!

It's Psytine! I hope you enjoyed reading. This is my first story and I'm yet discovering my writing skill. So please bear with me. And also let me know your thoughts about this po! I LOVE YOU ALL MWAMWACHUPCHUP:3

Don't forget to vote and comment and don't forget to pray as well mga tinks ko!!

⁠♡⁠‿⁠♡










Lost and FoundWhere stories live. Discover now