Chapter 5

18 0 0
                                    

Tulala akong pumasok sa bahay namin. Medyo madilim sa loob. Tulog na kaya sila? Pero ang aga pa, huh? Mag aalas -syete palang. Sabagay mas maagang lumalabas ang mga kapatid ko kaysa sa'kin. Alam naman nila kung saan sasakay kasi tinuturuan ko si Mika kung saan pwedeng sumakay. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako kampante na sila lang tatlo ang umuuwi. 






Late na akong umuwi. Sa bagal kong maglakad siguradong matutulog na sila at hindi na ako mahihintay. Ayos na rin yon para makapagpahinga sila.





Pinuntahan ko sila sa kanilang kwarto at nakita kong tulog na sila. Gano'n din si Papa. Mahimbing na silang natutulog.  Bago ako umakyat sa kwarto ko chineck ko muna kung nakasara na ba ang mga pinto at mga bintana, at ng masiguradong naka lock na lahat. Paakyat na sana ako ng mapatingin ako sa lamesa, may nakadikit na papel sa taas ng takip.  Kinuha ko 'to at binasa.





Anak, nagluto si Papa. Huwag kang mag-alala nag ingat ako. Hindi na kita mahihintay anak. Pagod kasi si Papa pero nagluto ako para sayo. Pasensya na at 'yan lang ang nakayanan kong lutuin. Kain ka ng marami anak. Goodnight. Mahal  kita anak.

- papa






Napangiti ako ng nabasa ko ang sinulat ni Papa para sa'kin. Binuksan ko ang takip na nasa lamesa. Naglalaman itong ng kanin, hotdog at itlog. Kumain na muna ako saglit at  umakyat na'ko sa kwarto ko. Pumunta ako sa banyo at naligo para mahimasmasan dahil sobrang napagod ako ngayong araw. Idagdag mo pa yung nangyari samin ni Kean.




 Tumingin ako sa salamin habang hawak ang aking pisngi, kung saan ako hinalikan ni Kean. Friendly kiss lang naman siguro 'yon? Kahit nga si Yanna hinahalikan ako. Oo! Tama.Tama...Tama yon. Mag kaibigan na pala kami. Gano'n  lang siguro 'yon? May mag kaibigan naman na naghahalikan sa pisngi. Hays. Ano ba 'to? Bakit ba masyado akong nababahala? Si Kean nga parang hindi naman nababahala pagkatapos ng nangyari.





Pagkatapos kong maligo sumampa na'ko sa kama at sinimulan ko ng magreview. Kailangan kong madistract pansamantala. Dahil lately, medyo occupied ang isip ko at lalo pa akong naguguluhan dahil kay Kean. Kaya mag rereview muna ako kahit apat lang. Tutal tig apat naman ang itatake kong exam. Nabigay na rin naman kasi ang schedule namin para sa exam kaya alam ko na kung anong mga subject ang uunahin kong ireview. 





After hours of reviewing. Pagtingin ko sa oras mag aala -una na. Wala namang kaso sa'kin dahil sanay ako sa puyatan. But at least I'm done reviewing. I'll just recall some of it, then I'll proceed to another subject. Bukas ko nalang tatapusin yung iba. Pero ngayon gagawa muna ako ng resume, magbabakasali ako kung tatanggap ba sila ng minor. Malapit na rin naman akong mag legal age konti nalang talaga.




I usually don't celebrate my birthday because of something I want to forget. I'm just waiting to reach legal age because it will help my family once I get a job.




Dahil ala una na ng madaling araw at hindi pa ako masyadong inaantok. Napagdesisyon kong buksan ang Facebook ko at mag-scroll na lang. Habang nag s-scroll, nakita ko ang friend request ni Kean. Dalawang araw na pala ito pero hanggang ngayon hindi ko pa siya inaaccept. Naalala ko na naman yung nangyari. I sighed heavily. Nag iinit ang pisngi ko dahil sa isipan na 'yon. I was hesitance to accept his friend request. 'Cause once I accept his friend request. Makikita ko lahat ng mga post niya hindi ba? Hays! Bahala na nga!  I just pressed accept and kept scrolling.





I went to my Messenger and left a note saying 'kakapagod naman haha.' after a few minutes. Biglang may nag message sa'kin. Hindi  na'ko nagulat dahil wala namang mag m-message sa'kin ng ganitongoras. kung hindi si Kean. Ginugulo niya na naman ang isip ko. 



Lost and FoundWhere stories live. Discover now