Chapter 2

17 1 0
                                    



Pagkatapos ng nangyari hindi nalang ako nagsalita. Parang napahiya pa ako dun, huh? 'Di naman masakit parang kagat lang ng surot. Nagdiscuss lang si Ma'am Santos tungkol sa Fabm2, syempre. Naghahabol kasi kami ng lesson. Dahil midterm exam na namin next week. Pag katapos pinacollect lang niya ang assignment na binigay niya sa amin kahapon. 




"Okay class! Dismissed!"




" Hays! Sa wakas tapos na rin."




" Ano ba naman yan?! Nag r-rush tuloy tayo sa mga lesson."



" Sa wakas, wala tayong subject sakaniya bukas. Hooooo!!!!!"






Ayan lamang ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase ko pagkatapos lumabas ni Ma'am Santos. Masyadong strikto si Ma'am Santos. Siya yung tipong hindi liliban sa klase at mag d-discuss pa rin kahit tatlo lang kayong pumasok. Pero the best 'yang teacher namin na 'yan. Nakakatakot nga lang minsan. Kaya kami nag r-rush ngayon kasi ilang araw siyang nakaleave dahil nagkasakit siya. When she was on leave, she sent us a lot of slides and activities. Pero hindi pa rin namin maintindihan, dahil sobrang lalim ng mga term na ginamit. Some of students may find her strict and bossy, like she's the principal of our school. Pero para sa'kin ginagawa niya lang ang trabaho niya at bihira nalang ang mga ganyang guro.






Habang nag-aayos ng mga gamit biglang lumapit sa'kin si Yanna.

"Sis, hindi kitamasasamahan sa pag uwi. May pupuntahan kasi ako, eh. Ayos lang ba?" sabi ni Yanna na para bang hirap na hirap pa siyang sabihin sa'kin. Tignan mo 'to akala niya naman hindi ko kaya sarili ko. But I'm thankful for having a friend like her. Kasi iniisip niya pa ang nararamdaman ko kaysa sa sarili niya. Minsan nga naguguilty ako na ewan, hays.




" Ayos lang gaga. Kaya ko naman umuwi mag isa, ano!" sabi ko sakaniya sabay tawa. Lumapit siya sa'kin at yumakap. " Gaga, nag-aalala lang ako sayo. O siya mauna na'ko sayo, text mo 'ko pag nakauwi kana, okay?" sabi niya at humalik pa sa pisngi ko




"Ingat ka." Sabi ko sakaniya ng hindi tumitingin kasi nililigpit ko pa ang mga gamit ko. Marami na naman akong iisipin pag uwi. Una iisipin ko saan ako kukuha ng pera para may pangtustos kami ng aking pamilya. Hays, buhay naman talaga oh. Hindi naman ako nag rereklamo pero minsan nakakapagod nalang talaga. Gigising ka na hindi ka sigurado kung meron pa ba kayong kakainin sa araw na 'yon, o kaya kung meron pa bang pera na gagamitin para kay papa. Nag m-maintenance kasi siya. Umaasa pa rin ako na gagaling si papa at makakalakad siya. 


Habang nag iisip ako ng malalim biglang may tumikhim sa tabi ko. 




"EHEM!"




"AY GAGO!!" gulat akong tumingin sakaniya. "Ahh... Nasaan yung mga kaklase natin?" Ganon ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko napansin na dalawa nalang kami dito sa classroom? Talaga naman oh! Kainis! Bakit sa dami-dami ng kaklase ko siya pa talaga yung naiwan. 





"Are you okay?" Biglang tanong niya. Hindi ako sumagot at tinitigan ko lang siya. "It seems like you have a lot on your mind, huh? What is it? Hmm?" dugtong pa niya ng hindi ako sumagot sa tanong niya.





Concern ba siya? Kainis! Bakit ang kalmado niya magsalita. Kanina lang parang nakakaintimidate siya, pero ngayong nasa harap ko siya at nagpapakita ng pag aalala sa'kin parang natutunaw ako. O baka guni-guni ko lang na nag-aalala siya sa'kin.




Lost and FoundWhere stories live. Discover now