Chapter 3

18 1 0
                                    

Hinihingal akong napasandal sa likod ng pintuan namin. Grabe ano 'yon? Bakit ako tumakbo? Paano ko siya haharapin bukas. Magkatabi pa naman kami. Nakakahiya, masyado naman akong assumera. Baka sabihin niya ako pa may gusto sakaniya!






" Ate...?"





" Oh Mika, ikaw pala? Gutom na ba kayo?" ngumiti ako sakaniya at inayos ang aking dalang pagkain.






" Ayos ka lang ate? Bakit ka po hinihingal? Tapos pawis na pawis pa kayo. Natatae po ba kayo?" tanong niya sa'kin ng nakakunot ang noo.







"Ahh...wala, 'tsaka hindi ako natatae...hinabol lang kasi ako ng aso diyan...sa tabi tabi lang naman haha." Sabi ko ng natatawa pero sa totoo lang kinakabahan ako na ewan. Gusto ko nalang matulog para kalimutan yung nangyari. ARGHSHSHH!!!! Naiinis ako.







"O siya! Tawagin mo na mga kapatid mo at kakain na tayo. Magpapalit lang ako." Sabi ko sakaniya.





Pagkatapos kong magpalit pumunta na'ko sa hapagkainan, kumpleto na mga kapatid ko pero wala pa si Papa.




"Nasaan si Papa?" tanong ko sakanila.




"Ayaw niyang kumain ate, hindi raw po siya gutom." Sabi sa'kin ni Aiah.




Pinuntahan ko si Papa sa kwarto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para 'di siya maistorbo kung sakaling natutulog siya. Nakita ko siyang nakahiga. 'di ko alam kung guni-guni ko lang pero narinig ko siyang humihikbi.





"Papa? Anong pong problema? Umiiyak ka po ba?" sabi ko sakaniya at nilapitan siya upang yakapin. 





"Hindi anak." Sabi niya habang nagpupunas ng luha sa mata. Tignan mo si Papa kahit kailan ganyan sinasabi niya pag tinatanong ko siya. Halata naman na umiiyak siya.





"Bakit po? Ano po bang problema? Pwede n'yo naman pong sabihin sa'kin. Kakampi n'yo po ako." Sabi ko na may halong buntong hininga. Kasi nag aalala ako sakaniya.




"Anak... pasensya na kung ganito ang kalagayan natin ngayon. Malapit ka ng magtapos sa Senior High School at mag c-college kana. Pero...dahil sa kalagayan ko wala akong maibigay sayo na pera." Sabi ni Papa habang humihikbi.








" Papa...matagal pa po bago ako magtapos ng grade 12, mag s-second sem pa po ako. Aside pa dun may natira pa naman pong pera diba? Pwede rin naman po akong kumuha ng scholarship. Nakakakuha naman po ako ng honors. Siguradong makakapasa ako sa mga scholarship diyan. Atsaka huwag n'yo pong sisihin yung sarili n'yo kung bakit ganyan yung kalagayan n'yo. Kahit ano pong mangyari mahal na mahal ko po kayo." I said to him, with tearing eyes. At niyakap siya ng mahigpit.







"Anak...hindi sapat yung pera na yon para maisalba tayo sa pang araw-araw natin. Kaya pasensya na anak at may Papa kang ganito." ani Papa at yumuko.






"Basta ako nalang po gagawa ng paraan, malapit na rin naman po akong mag legal age. Hahanap po ako ng trabaho para makatulong dito sa bahay." Sabi ko sakaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Kaya tara na po kain na tayo, hindi magandang pinaghihintay ang pagkain. 'tsaka wag na po kayong umiyak. Tignan nyo ampangit n'yo na." sabi ko sakaniya nang natatawa at tinuro ang kaniyang mukha.







"Loko ka talagang bata ka." Sabi niya sa'kin ng natatawa. Ganyan dapat mas pogi si Papa pag nakangiti. 





Bumuntong hininga siya at tumango. Inalalayan ko lang siyang tumayo at iupo siya sa kaniyang wheel chair at para na rin makakain kami.





Lost and FoundWhere stories live. Discover now