Chapter 4

18 1 0
                                    


Naalimpungatan ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Ano ba yan, ang ingay! Gusto ko pa matulog. Pilit kong inaabot ito para patayin pero hindi ko maabot hanggang sa nahulog ito na nakalikha ng malakas na tunog.





Ayoko pang imulat ang mata ko pero wala akong choice kung hindi ang bumangon at ipagluto ng almusal ang mga kapatid ko at ang Papa ko. Kailangan ko kasi silang ihatid pa sa school at kailangan pa naming sumakay ng jeep, dahil medyo malayo-layo ang school nila sa akin.





Kahit na inaantok pa ako pilit akong bumangon at maghilamos. Papasok din kasi ako sa school kaya kailangan ko na talagang kumilos. Bumaba na'ko at dumiretso na'ko sa kusina para maghanda at magluto ng pagkain para sa pamilya ko. 






Nagluto lang ako ng itlog at hotdog kasi 'yon lang ang meron na nasa refrigerator namin. Bukas nalang siguro ako mamamalengke may natitira pa namang pera samin. Kahit baboy lang at gulay para naman masustansya kainin namin. 






Pagkatapos kong magluto at maayos ang mga plato. Kinuha ko na ang pang baon ng mga kapatid ko at ito naman ang sunod kung nilagyan ng pagkain. Minsan ko lang silang pinagbabaon ng pagkain. Pag may pera, talagang pera yung binibigay namin ni Papa para may pambili sila sa canteen. Kaso kasi ngayon dahil nammroblema kami sa pera wala akong choice kung hindi pagbaunin muna sila. Especially since that I still can't find a job. Magbebenta nalang muna siguro ako. O kaya basta! Hays ewan! Bumuntong hininga ako pagkatapos kong matapos sa mga ginagawa. Nagpunas ako ng pawis sa noo dahil tumutulo na ito. Hays. Siguradong amoy kusina na naman ako. 








Tumingin ako sa orasan 4:05 am palang naman. Maaga pa naman... mauuna nalang muna siguro akong maligo. Naligo ako ng mabilisan at pinuntahan ang mga kapatid ko sa kwarto para gisingin sila at kumain.







" Mga laling ko! Good morning, gising na, maaga pa kayo sa school" sabi ko.






"Good morning...ate." Sabay sabay nilang sabi pero pagsilip ko sakanila nakapikit pa sila. 




I laughed with that sight.




"Bibilang ako ng lima pag kayo di pa tumayo diyan ah. Isa...dalawa..tat–" Hindi ko pa man natatapos ang pag bibilang ko sabay-sabay na silang tumayo. Hays! Kailangan talaga magbilang ka pa. Sila muna ang ginising ko at hindi ko na muna ginising si Papa. Atsaka ko nalang siya gigisingin pag paalis na kami. 





"Pagkatapos n'yong kumain, maligo na ah? Para maihatid ko na kayo sa school niyo."





" Ikaw ate, di ka pa ba kakain? Sumabay kana samin." Sabi ni Mika.






" Mamaya na'ko, mabilis lang naman akong kumain. Ipaghahanda ko lang muna kayo ng mainit na tubig para makaligo kayo."







Tumango nalang siya. Ako naman inayos ko na yung tubig na ipangliligo nila. Ganito palagi ang routine ko. Nasanay nalang ako kasi wala namang tutulong samin kundi ang mga sarili namin. Syempre sa una mahirap kasi ang bata ko palang but I feel like I'm carrying the weight of world on my shoulders and I don't know where to start. Pero ayon...nakasanayan nalang at hindi naman ako nagsisisi. Sabi nila swerte kaming mahihirap kasi pag yumaman kami alam namin saan kami nanggagaling at naranasan na namin kung gaano kahirap ang buhay. But little did they know, money does matter to me so much kasi mas gusto ko ng maging malungkot at maraming pera kaysa maging masaya pero walang pera. I can't help my family if I chose happiness over money.







Lost and FoundWhere stories live. Discover now