Chapter 6

17 0 0
                                    

" Gusto mo pong sumama, Papa?" Tanong ko kay Papa. Nasabi ko na kasi sa mga kapatid ko na aalis kami. Excited naman sila nung binalita ko 'yon sakanila. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakalabas dahil sa nangyari at wala rin kasi kaming pera para lumabas. Kaya nagpapasalamat ako kay Kean kasi makakalabas ulit kami after so many years. Hindi rin namin kasi alam saan kami pupunta. Ang alam ko lang si Kean ang manglilibre sa amin. Perks of having a rich friend. Mayaman yan, eh. 




I laughed.



Bago kami mag-ayos ng mga sarili namin. Naglinis muna ako ng bahay at naghanda na'ko ng pang ligo ng mga kapatid ko. Sinama ko na rin ang mga isusuot nila. Nakasanayan ko na kasi na ihanda ang mga damit na susuotin nila pag umaalis kami. Sasama rin pala si Papa sa amin. Ayokong maiwan siya dito mag isa habang kami nagsasaya sa labas. Hindi ko kaya ng ganon. Hindi ako panatag, mas mag-aalala lang ako at hindi ako mag e-enjoy kung iniisip ko si Papa na naiwan sa bahay mag isa.





" Mika at Aiah. Mauna na kayong maligo. Ako na mag aayos kay Daniel. Masyado ng late para maligo pa 'tong kapatid niyo " Sabi ko sakanila.



Tumalima naman ka agad sila. Kumuha lang ako ng bimpo at binasa ito gamit ang mainit na tubig. Habang hinihilamusan ko ang aking kapatid. Atsaka naman may tumikhim sa likod ko. Hindi na'ko nagulat dahil siguradong si Kean naman 'yon.





"Ang aga mo naman ata?" Tanong ko sakaniya ng hindi tumitingin. Sumulyap ako sa orasan at mag aala-sais pa lamang ng gabi. Tapos ko ng hilamusan ang kapatid ko. Sunod ko na itong binihisan ng damit. Syempre, yung maganda kasi ang pogi pogi ng kapatid ko.






"Ayan tapos na ikaw! Laro ka na muna do'n. 'wag ng magdudumi, huh?" Sabi ko sa kapatid ko at hinalikan ito sa pisngi. 




He giggled. Ang cute talaga, kainis!





" Gusto kong maaga, eh. Anong magagawa mo?" sabi niya sa akin at umupo sa couch. Inirapan ko na lamang siya. Ang attitude niya. Pakitang tao talaga siya. Ang inosente niya tignan pero ang lakas niyang mang-asar. " And why haven't you changed clothes yet?" Tanong niya sa akin bigla. 







Tumayo ako sa aking kinauupuan at sinuyod ng tingin ang aking suot. Wala namang masama sa suot ko, huh? I'm wearing a tank top and paired it with shorts that fit me just right. " Wala namang masama sa suot ko, huh? Atsaka mabango pa rin ako, ano!" I frowned at him.







Piitik niya ang noo. 






"Aray huh!!" nakasimangot kong sabi habang hawak-hawak ang king noo upang himasin ito.







" Stupid! hahaha." aniya at inirapan niya ako. " Hindi ko sinabi na masama 'yang suot mo at wala rin akong sinabing mabaho ka. I'm just asking why you haven't changed yet?" sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.





Napagtanto ko na tama pala siya. Wala nga siyang sinabi na masama tungkol sa suot ko. Tinatanong niya lang pala. Nakakainis naman. Lagi nalang akong napapahiya sa harap niya.






" Inuna ko pa kasi mga kapatid ko. Tutulungan ko pa niyan si Papa." Sabi ko nalang na parang hindi ako napahiya sa harap niya kanina.





Sakto naman na lumabas si Papa sakaniyang kwarto. Kasabay non ay ang mga kapatid ko na nakabihis na. Umupo sila sa couch at bumati kay Kean.





" Hi po! Kuyaaa Kean." Sabi ni Aiah





" Hi kuya." Sabi naman ni Mika at tipid na ngumiti.





Lost and FoundWhere stories live. Discover now