Chapter 9

11 0 0
                                    

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa'kin. Ano ba 'yan?! Gusto ko pang matulog! Panira talaga 'tong alarm clock na 'to.







Mabilis akong umupo dahilan para bigla akong mahilo. Tumunganga muna ako ng limang minuto bago ako tumayo para maghilamos. Maybe, this is what you called girly thingy. Wala, nakita ko lang sa social media.







Pagkatapos kong maghilamos. I looked at myself in front of the mirror. Ayan na! Kaya mo 'yan! Okay!Andra? Syempre, as usual gano'n parin naman ang gagawin ko. Magluluto ako ng almusal namin.






Oh Shit!!! Mabilis kong natapik ang noo ko, dahil nakalimutan ko na wala pala kaming pagkain ngayon. Hindi ako nakapag grocery. Kainis!!! Mabilis akong bumaba sa hagdan. Ngunit hindi pa man ako nakakaba ng tuluyan. Natigil na'ko sa paghakbang.







" May X-box ako sa bahay. Bisita kayo dun, maglaro tayo." ani Kean at ngumiti sa mga kapatid ko. Kandong-kandong niya si Daniel. Habang kumakain sila ng  almusal. Nandoon na rin si Papa at nag kakape.







Nang mapansin ako ni Papa. Ngumiti siya sa'kin.





"Oh, anak. Gising kana pala. Nandito pala yung boyfriend mo, nagdala siya ng pagkain. Bumaba kana diyan. Kumain kana dito." ani Papa sa'kin.






Umiling ako kay Papa dahil sa sinabi niya. Mabilis akong bumaba at tumabi kay Papa.





" A-ahh Good morning. Anong ginagawa mo dito?" sabi ko at nagsandok na'ko ng pagkain ko.






" Wala, gusto ko lang dito. Nababagot ako sa bahay. Wala akong kausap." sabi niya at sinubuan ng pagkain ang kapatid kong si Daniel.






" Wala ba parents mo?" tanong ko sakaniya.






Napatigil siya sa pagsubo ng pagkain sa kapatid ko, dahil sa tanong ko. Tumingin siya sa'kin at umiwas ng tingin.






Is he uncomfortable? Hindi ba siya komportableng pagusapan ang tungkol sa parents niya? Tinignan ko siya ng mabuti. Kita ko sa mga kilos niyang ang pagkailang at pagkataranta kahit wala namang nakakataranta.






That's my que to change our topic.







" Buti ang aga mo? Diba hapon pa tayo aalis? Ay sabagay wala na nga kaming makain, kaya ngayon na tayo umalis. " I said while laughing. I just want to eased the awkwardness. Feeling ko kasi naging awkward kami bigla dahil sa tanong ko.







Tumango lamang siya at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain sa kapatid ko.







Pagkatapos naming kumain nagpaalam na kami kay Papa na mag g-grocery lang. Naligo lang ako at nagbihis ng mabilisan kasi nakakahiya naman sa magbabayad ng grocery ko.






I laughed so hard with my thoughts.







Mabilis akong bumaba dahil baka naiinip na si Kean kakahintay sa'kin.







Nakita ko siyang prenteng nakaupo sa couch, nag c-cellphone at tumatawa mag-isa. Kumunot ang noo ko. May pinopormahan na siguro 'to. Hays! Nagbibinata na siya oh!





"Hoyy!!!" sigaw ko sakaniya. Tawang tawa naman ako ng muntik mahulog ang cellphone niya dahil sa gulat. Nasobrahan 'to sa kape guys. Magugulatin, eh. Hahaha.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost and FoundWhere stories live. Discover now