Chapter 7

9 0 0
                                    

" Wait lang naman! Kung makahila ka wagas!" reklamo ko kay Kean. Kung makahila kasi parang matatanggal na ang kamay ko. Hilahin ko buhok niya diyan, eh!  Kainis siya!





Nababanas na naman ako sakaniya. Ang bilis bilis niya maglakad akala niya naman kasing haba ko yung bias niya. 'Di mas hamak na mas mahaba pa bias niya kaysa sa'kin. Hindi makapaghintay beh? Kailangan kaladkarin ako?





Tinignan ko siya ng masama. " Pwede ba 'wag mo kong kaladkarin!" ani ko.




Tumigil siya at hinarap ako.





"I'm sorry." he said softly. Kinuha niya ang kamay ko at sinuyod ng tingin ang kamay ko kung nagmarka ba ang hawak niya sa akin. Medyo napahigpit ang hawak niya sa akin pero hindi naman nag marka.






Natigilan ako dahil sa ginawa niya. He may be harsh and annoying sometimes. We may look like friends who always argue, but he actually has a soft side.






" Bakit ba nagmamadali ka? Sinabi ko naman kasi na ayokong sumakay sa rides!" maktol ko sa harap niya.







Ayoko sa mga rides. Natatakot ako sa matataas. Pinangungunahan kasi ako ng takot at mga agam-agam na baka mahulog kami, o kaya matanggal ang isang tornilyo ng mga sinasakyan namin. Nakakatawang isipin para sa iba pero ayoko talaga. Natatakot ako sa gan'on. Ayokong mangyari yung ganon.







" Mamaya pa tayo sasakay sa rides. We will go to your siblings first. They are at the bumper cars with Tania. Is it okay with you?" aniya at tinaas pa ang kaniyang dalawang kilay na para bang nakadepende sa'kin ang sagot kung pupunta ba kami d'on o hindi.






Tumango na lamang ako. Bumper cars lang pala. Akala ko naman sa mga matataas. Ayos pa ako sa ganon kung sa baba lang, 'wag lang sa matataas.







Pagkadating namin doon. I saw Tania enjoying a bumper car ride with my siblings. Si Mika na sakay ang kaniyang kapatid na si Daniel. At si Aiah naman kasama si Tania. They looked happy at ang ganoong tanawin ay masaya na'ko.







Napangiti ako. Masaya ako na masaya ang mga kapatid ko at nag e-enjoy sila. Napawi ang ngiti ko ng biglang nagsalita si Kean sa tabi ko.






" Why are you smiling?" aniya at nakakunot pa ang noo. Lagi nalang siyang nakakunot  noo. Kaya siya nagmumukhang masungit, eh.







" Masaya lang ako na masaya at nag e-enjoy ang mga kapatid ko. Matagal na kasi kaming hindi lumalabas pagkatapos ng nangyari sa mama ko." sabi ko. As i remembered what happen in the past. Hanggang ngayon masakit pa rin kasi. Para akong nasa isang awla na kahit anong gawin ko para kumawala, hindi ko magawa-gawa dahil sa mga nakatali sa paa ko. Dahilan para hindi ako makaalis. I gulped. Naiiyak ako.







"Are you okay?" sabi ni Kean.






I stared at him. He may be harsh and straightforward sometimes, but this side of him makes me feel special. How does he always know when I'm not okay and when I am? He's too observant, I guess.?







" No." sagot ko. Hindi ako okay pero ayos lang. As long as i have my family beside me and a friend like him and Yanna. Ayos lang sa'kin. Kasi matatag akong tao and I don't easily give up.






"Whyy? Are you okay? Gusto mo umupo muna tayo? Anong masakit?" sunod sunod na tanong niya at hinawakan pa ako sa braso para sana alalayan umupo.






Lost and FoundWhere stories live. Discover now