Chapter 10

63 3 0
                                    

Dom's POV

***

"Tingnan mo yun ang aga-aga pa puro na mga chismisan ang inaatupag." Turo ni Kit sa grupo nila Sunny. Mukhang alam ko na kung anong pinag chichismisan nila dahil isang linggo ng absent si Niki.

Gusto kong magdiwang dahil nagawa ko ng maayos at tahimik ang plano ko. Buti nga sa kanya. Kulang pa yun sa lahat ng ginawa nya sa akin.

"Ano bang trip mo?" Inis kong sabi para kasing sira kung maglakad napaka astig na akala mo si robin padilla. Mabuti na lang at hindi na sya nakapalda. Kahit ano namang sita ng mga teacher ayaw nya talagang magsuot kaya hinayaan na lang na naka pants.

"Hehehe." Ngumisi sya at inakbayan ako.

"Aray. Ang bigat ng kamay mo."

"May sasabihin ako sayo pero mamaya na sa canteen."

"Ngayon na bakit mamaya pa?"

"Eh kasi baka magulat ka."

"Ah so nakakagulat pala ang sasabihin mo kasi natatakot ka na baka magulat ako." Na curious tuloy ako. Ano na naman kaya to.

"Basta mamaya na." Malapit na kami sa classroom ko kaya hinands forward nya ang dalawang kamay sa likod ng balikat ko at patulak akong pinapasok sa loob ng pinto namin. "Babye  bye bye bye."

Hindi ko na sya nilingon at dumiretso na ako sa upuan ko.

"Pres oh ito na yung hinihingi mo." Abot ni Luigi sa papel. Tahimik ko namang tinanggap at binasa ang mga nakasulat.

"Bakit ito lang? Yung mga uniforms ng mga volleyball players bakit hindi kasali?" Ang sama ng tingin nya sa akin pero hindi ko pinansin. "Paki-ulit to, tanungin mo si Niki sa mga listahan ng lahat ng mga players."

"Nakikita mo ba si Niki dito? Di ba wala?" Pilosopo nyang sagot. "Ikaw naman ang presidente kaya ikaw ang --."

Bigla akong tumayo kaya nagulat sya. "O sige kakausapin ko si ma'am Dolores tungkol kay Niki." Tinalikuran ko sya at tinungo ang faculty office.

Akala nya maapektuhan pa ako sa mga pabalang nyang sagot? Hindi ko rin maintindihan kung bakit mainit rin ang dugo nya sa akin. Ganun siguro kapag naging kaibigan mo ang mga bully nagiging bully ka na rin.

"Mam pwede po ba akong mag suggest? Ilang araw na po kasing absent si Niki at marami pa kaming dapat gawin for the coming intramurals. Kung kami lang hindi namin kakayanin ang preparation." Sinadya kong kausapin ng solo si Ma'am Dolores para mapagbigyan ang hiling ko.

Sinamantala ko na ang oras na to baka masira pa ang isa ko pang plano kapag pinatagal ko pa. Actually naisip ko lang to dahil ilang araw ng wala si Niki, mas mabuti sigurong mawala na sya ng tuluyan.

"Ano yun Miss Valdez?"

"Pwede ba tayong maglagay ng temporary secretary? Hindi kasi pwede na walang gumawa ng paper works, kung hihintayin pa namin si Niki baka hindi namin matapos sa oras."

"Alam mo sa tingin ko ok ang suggestion mo na yan. Hindi ko rin gusto na pinapabayaan ang mga trabaho, alam naman siguro ni miss Toralba na busy kayo pero umabsent pa sya."

"Oo nga po maam." Inosenti kong wika.

"Sino ang napili mo na pwedeng pansamantalang ipalit kay miss Toralba?"

Bago ko naisip to may tao na akong gustong ilagay sa position ni Niki.

"Si Shiela Marie Aguio po." Sya ang secretary nila Kit sa classroom, katulad ko lagi din syang binubully ng mga kaklase nya pero mas malala talaga ang sa akin dahil nasampal at nabatukan na ako.

Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon