Dom's POV
*
"Maam hindi ko po matatanggap ang posisyon kasi po --."
"Dominique hindi pwedeng hindi mo tanggapin ang posisyon. Walang ibang mas qualified na pumalit kay Vika kundi ikaw." Ma-awtoridad na wika ng dean na si maam Dolores.
"P-pero --."
"Wala ng pero miss Valdez. The school already make a decision, ikaw na ang magiging bagong council president."
Napayuko ako ng ulo. Wala akong nagawa kundi umayon na lang sa kagustuhan nito. Kahit naman anong sabihin ko hindi na rin sila makikinig. "Ok po maam."
Nanghihina akong lumabas sa opisina.
Nahihiya ako sa mga studyanteng nakakasalubong ko. Alam ko naman na hindi maganda ang tumatakbo sa isip nila ngayon. Alam ko iniisip nila na mapagsamantala ako, akala nila sinamantala ko ang pagkawala ni Vika para mapasakain ang posisyon. Pero hindi naman yun totoo eh, wala akong intensyon na kunin ang pagiging presidente.
Ang gusto ko lang naman makaganti sa mga ginawa nya sa akin. Makaganti sa kanilang dalawa ni Brenda, hindi ko naman inasahan na hahantong sa ganito ang lahat.
"Dom congrats." Napahinto ako ng marinig ang boses ni Shane. Lesbian rin ito kagaya ni Kit.
"T-thanks."
"Ui syanga pala muntik ko ng makalimutan. Pakibigay naman to kay Kit, aabsent kasi ako mamayang hapon kaya ikaw na lang magbigay." Inabot nya ang isang box.
"Para kay Kit? Ano to?"
"Basta."
Kinuha ko ang box. Nakabalot ito sa pulang gift wrapper.
"Kanino to galing?"
"Secret. Tsaka wag mong bubuksan, si Kit lang dapat ang makakita nyan."
Napakunot ang noo ko. "Kanino nga --."
"Sige Dom, aalis na'ko. Salamat." Nagmamadali itong kumaripas ng takbo at hindi na ako pinatapos.
Nagtataka ko namang sinipat ang box. Kasing laki ito ng lalagyan ng sapatos at maganda ang pagkakabalot. Hmmm.. Ano kaya ang laman nito at sino naman ang magbibigay kay Kit? Tsaka hindi nya naman birthday ngayon ah.
Dinala ko na lang ito sa classroom at tinago sa bag. Mamayang recess ko na lang ibibigay sa kanya.
"Wow, ang saya naman. Instant president agad ang ambisyosa." Nagpaparinig na wika ni Niki. Hindi ko ito pinakinggan at tumingin na lang sa bintana. "Alam nyo guys feeling ko papangit na ang school natin sa susunod na mga araw."
"Korek ka dyan Niks. Hay nakakamiss tuloy si Vika." Segunda rin ng isa naming kaklase na si Judy.
"Hoy Dominique." Sinipa nito ang upuan ko. "Hindi porket ikaw na ang bagong presidente pwede ka ng umasta na kung sino. Tandaan mo para sa amin si Vika parin ang council president."
Nagtitimpi kong kinuyom ang isa kong kamay. Nagkukunwari parin akong walang naririnig.
"Miss Toralba bumalik ka sa upuan mo!" Nagulat ang lahat ng marinig ang boses ni maam Palma.
"S-sorry po maam." Nagmamadaling bumalik si Niki sa kanyang upuan.
Ng makabalik ito sa kanyang upuan pasimple ko itong tiningnan. Bakit ba napaka-pakialamera nya? Akala ko wala ng mangbubully sa akin pero meron pa pala. Noon ko pa napapansin na hindi rin maganda ang pakikitungo nya sa akin. Hindi ko lang masyadong iniisip dahil mas madalas si Vika at Brenda ang nakakabangga ko. Pero ngayon mas lalong lumalabas ang masama nyang ugali.
BINABASA MO ANG
Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤
Romance"Kit love Dom, Dom love Kit?" Pwede kaya? Hmmmmm... Sana... xxxchoiixxx