Dom's POV
*
"Dominique!" Sigaw ni Vika. Student council president namin.
Andito parin ako sa loob ng quarter namin kung saan kami nagmemeeting.
Nilapag ko muna ang mga papers ko sa mesa. "Bakit?" Kalmado kong wika.
"Di ba sabi ko kelangan matapos na ang presentation natin ngayon. Bakit andito parin tong flash drive at sabi ni Niki hindi mo pa natatapos ang editing? Next day na ang anniversary ng school idiot." Pinakita nya sa akin ang hawak nya.
Napantig ang tenga ko sa sinabi nito. "Di ba si Niki ang secretary? Bakit kelangan ako ang tumapos ng lahat? I've already done my part. Ako na nga lahat ang gumawa --"
"Nagrereklamo ka ba?" Tumaas ang tono ng boses nito.
I take a deep breath. I just remain calm and compose.
"Hindi sa nagrereklamo ako. Ang sinasabi ko lang naman --"
"Too much confident now huh?" Putol nito sa sasabihin ko. Lumapit ito kunti sa pwesto ko. "Di porket nanalo ka sa election this year eh aasta ka ng magaling. Do what I said or else ipapahiya kita sa mga kasama natin."
Napalunok ako. Ipapahiya? Na naman? Sanay na sanay na ako sa pagpapahiya nila sa akin pero natatakot parin ako.
Nagbaba ako ng tingin.
"Tapusin mo to ngayon kung ayaw mong pagtawanan ulit." Tinapon nya ang flash drive sa akin.
Tumalikod ito at naglakad palabas. Pinulot ko naman ang fd sa sahig.
Pinigilan ko ang sariling maluha. Ayoko ng umiyak, nakakasawa na.
Tinago ko muna ang fd sa bag ko at inayos ang mga papers sa mesa. Babalikan ko na lang to mamaya. Pupuntahan ko muna si Kit sa tambayan nya. Bigla kasi akong nagutom.
Tumakbo ako papunta sa may gym. Gusto ko na syang makita, sya lang kasi yung taong may kakayahan na pagaanin ang pakiramdam ko.
Gusto ko ng tumawa sa mga corny jokes nya. Gusto kong makalimutan kahit sandali ang mga taong yun.
Malapit na ako sa may puno ng makarinig ako ng tawanan. May kasama si Kit?
Maingat akong naglakad palapit sa gawi nila.
"Talaga? Ginawa mo yun?" Tumatawang wika ni Brenda.
Wait. Si Brenda? Hindi ako pwedeng magkamali boses yun ni Brenda.
Mas lalo pa akong lumapit.
"Ahuh ahuh. That's what you call talent." Wika ni Kit.
Hindi ko alam pero bigla na lang nanikip ang dibdib ko sa nakita. Nakaupo silang dalawa habang nagtitinginan.
Anong nangyayari? Bakit sila magkasama?
'Bakit Brenda? Bakit mo kinakausap si Kit?'
"K-kit." Mahina kong wika. Lakas loob akong lumapit sa gawi nila.
"Oh Dom." Tumayo agad si Kit at nilapitan ako. "Are you ok?"
"Ha? Bakit?"
"Para ka kasing namumutla."
Napahawak ako sa labi ko. "Ahmm.. Nauuhaw lang siguro."
"Hi Dominique." Singit ni Brenda, tumayo na rin ito at lumapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤
Romance"Kit love Dom, Dom love Kit?" Pwede kaya? Hmmmmm... Sana... xxxchoiixxx