Dom's POV
*
"Uggghhh!!!" Sigaw ko habang nakatakip ng unan ang mukha ko. Nakadapa ako sa kama habang sumisigaw sa unan para hindi ako marinig nila mommy at daddy sa baba. Nakauwi na si Kit pero naiinis parin ako sa kanya.
Basta nya na lang akong hinalikan sa lips. Ano bang akala nya sa kiss basta-basta na lang binibigay kung kani-kanino?
First kiss ko yun. Hindi talaga sumagi sa isip ko na ganun ang mangyayari sa first kiss ko. Tapos para bang ang dali-dali lang sa kanyang gawin yun. Akala ko pa naman magiging katulad ito sa isang fairy tale.
Umayos ako ng higa at kinuha ang picture frame ko sa side table. Pinagmasdan ko ang nakangiti naming picture ni Kit.
"Ang pangit mo. Nakakainis ka talaga kahit kelan." Nayayamot kong wika.
Hindi naman talaga ako naiinis dahil sya ang first kiss ko, naiinis lang ako kung paano nya ginawa. Hindi man lang sya nagtanong kung papayag ba ako. Tapos sa lahat ng lugar sa plaza pa talaga? Feeling ko tuloy hindi ako mahalaga para sa isang first kiss. Ako rin naman ang first kiss nya pero bakit hindi nya ginawa na mas special.
Hindi ko man lang naramdaman yung sinasabi nilang spark. Naisip ko tuloy hindi naman siguro totoo yun. Siguro sa libro at romantic movie lang yun nangyayari pero hindi talaga sa totoong buhay.
Ang masaklap parang sya pa yata ang galit kahit sya naman ang may kasalanan.
"Dominique?" Tawag ni mommy sa labas ng kwarto.
Tumayo ako para buksan ang pinto. "Yes mom?"
"Asan si Kit? Akala ko ba dito sya kakain?"
"Ahmmm. Masakit daw yung tyan nya kaya umuwi na muna." Pagsisinungaling ko.
"Ganun ba, kawawa naman."
"Oo nga kawawa talaga." Ako kaya yung mas kawawa mommy. Ninakaw nya ang first kiss ko.
"Oh sya, bumaba kana maya-maya ha. Kakain na tayo."
"Opo."
Tumalikod na si mommy kaya sinara ko na rin ang pinto. Binalik ko ang picture namin at kinuha ang cellphone ko.
Nakalimutan ko palang ipakita kay Kit ang video ni Brenda. Mabuti na rin siguro na hindi nya nakita. Wala rin naman syang pakialam eh.
Pinanood ko ulit ang video. Dun sa parteng hinalikan ni Brenda si Kurt sa lips.
Kanina diring-diri ako ng makita silang naghahalikan pero narealize ko bigla, hindi naman pala nakakadiri kung lalapat ang labi mo sa ibang tao. Pwera na lang kung hindi sya nag-toothbrush. Ew..
"Ano kayang magandang gawin dito?" Tukoy ko sa video. What if e-send ko na lang sa kanya para matakot sya or what if e-send ko na lang kaya kay Vika para mag-away sila.
Pinikit ko ang mga mata ko para makapag-isip ng maayos. Hmmmm.. Inisip ko lahat ng ginawa nila sa akin mula noon hanggang ngayon. Lahat ng masasakit na salita at panglalait.
Ahuh alam ko na. Isang plano bigla ang nabuo sa isip ko.
I think this will make the both of them suffer.
Sisiguraduhin ko yun bukas.
---
"Anak nasa labas na si Kit, hinihintay ka." Sabi ni mommy sa may pinto.
BINABASA MO ANG
Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤
Romance"Kit love Dom, Dom love Kit?" Pwede kaya? Hmmmmm... Sana... xxxchoiixxx