Chapter 9

2.5K 77 34
                                    

Kit's POV




**

"I love you Kit." Nahihiyang wika ni Grace, inabot nito ang isang box ng chocolate.

Hilaw naman akong napangiti at di tinanggap ang bigay nito.

Mabuti na lang at andito kami sa roof top ng school building.

"Akala ko ba malinaw na ang lahat? Di ba sabi ko ayoko pang magka-girlfriend." Ba't ba ayaw nya akong tigilan.

"A-alam ko pero di ko kasi mapigilan eh. Gustong-gusto talaga kita."

Pasimple kong sinabunutan ang buhok sa likod. Nakakainis naman, ang tigas ng ulo.

"Grace, ano bang nagustuhan mo sa akin? Marami namang nagkakagusto sayo na lalaki di ba? Ba't hindi mo sila bigyan ng chance. Malay mo magustuhan mo rin sila."

"Ayoko. Iba ka sa kanila Kit. Ikaw lang ang gusto ko." Shit naman...

"Tomboy ako, hindi tayo bagay. Tsaka di ka ba natatakot sa sasabihin ng iba? Sayang lang ang ganda mo kung ako ang papatulan mo." Muse sya sa klase namin kaya maraming may crush sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ko. "Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta ikaw ang gusto ko. Ikaw lang Kit."

Ewan ko pero kahit paulit-ulit nyang sabihin na gusto nya ako parang hindi parin ako makapaniwala. Iba kasi ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano basta may kakaiba.

Napabuntong hininga ako. Ano bang gagawin ko?

"Give me a chance Kit. I promise i will make you happy."

"Pero --." Naputol ang sasabihin ko ng bigla nyang hinila ang batok ko at hinalikan ng madiin ang labi ko.

Namilog ang mga mata ko. Oh.. My... G..

"You're mine now." Nakangiti nitong wika ng pinakawalan ang labi ko.

"H-ha?"

"I said girlfriend mo na ako."

Napalunok ako. Wala akong masabi.

"Bye Kit. Magkita na lang tayo sa classroom." Paatras itong naglakad sa may hagdan.

"P-pero Grace --."

"Bye." Hindi nya ako pinakinggan at tumakbo na pababa sa hagdan.

'Kami na?'

Napailing-iling ako. Hindi, hindi pwede.

Hahabulin ko ito at sasabihin na hindi talaga pwede. Wala akong nararamdaman sa kanya kaya malabo ang gusto nya.

Pababa na sana ako pero napahinto ako ng marinig ang mga pamilyar na boses, parang nag-aaway ang mga ito. Umatras ulit ako at bumalik sa taas.

"Bakit mo to ginagawa sa akin?" Wika ng babae.

Nagtago ako sa sirang mesa at mga silya malapit sa pinto.

"Ayoko na nga. Sawa na ako." Sigaw ng lalaki.
Teka, Oliver? Parang boses ni Oliver.

Sumilip ako sa butas. Si Oliver nga, at kasama nya si... Niki?

"Bakit? Akala ko ba mahal mo ako?"

"Hindi ko sinabi na mahal kita."

Humagulgol ng iyak si Niki. "I hate you. I hate you."

Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon