Kit's POV
***
"Aray!" Daing sigaw ni Shane ng tumama ang maliit na kahoy sa ulo nya. "Putang ina mo talaga Kit." Bumangon sya at umupo. Gwapo rin syang tomboy katulad ko.
"Pwesto ko to bakit andito ka?" Tinulak ko kaya napaurong sya ng upo. Humiga agad ako sa damuhan. Andito na naman ako sa likod ng gym, hinihintay na matapos ang meeting ni Dom.
Hay ang sarap humiga.
"Hoy mga tomboy! Anong pinag-chichismisan nyo dyan ha?!" Hirit ni Bodjak at patakbong lumapit sa amin. Mukhang dadive kaya agad akong umalis sa pagkakahiga, sumubsob tuloy ang katawan nya sa damuhan.
"Sira ulo." Sumabunot ako ng damo at tinapon sa mukha nya. "Ba't andito kayo sa tambayan ko? Lumayas nga kayo."
"Yabang. Ano suntukan na lang?" Umakto itong sasapakin ako.
"Venus Maria Victoria the famous nigga." Pang-aasar ko sa totoong pangalan nya.
"Alicia tumahimik ka." Hindi naman sya nagpatalo. "Pangit ng pangalan mo parang mangkukulam."
Babatukan ko sana sya pero mabilis naman nyang hinarang ang kamay ko. "Ano ano." Natatawa ako habang pilit na inaabot ang ulo nya.
"Uyy Kit nakita kita kanina kasama si Carla. Anong meron?" Sabay kaming napatigil ni Bodjak sa asaran at napatingin kay Shane.
"Kami na." Diretsa kong sagot.
Lumaki naman ang mga mata ng mga tomboy. Sino ba naman ang hindi lalaki ang mata eh halos lahat sila may crush kay Carla.
"Ano? Teka paano si Grace? Di ba syota mo rin yun?"
"Alam mo Bodjak sya lang ang may gusto na maging kami. Bahala sya kung ayaw nyang tumigil."
"Ang gwapo mo Kit. Grabe." Pigil ang kamao nya. "Kung hindi lang kita kaibigan baka pinatikim ko na sayo to."
"Relax lang mga tol. Hindi naman ako seryoso, trip trip lang naman to. Pampalipas oras kung baga." Hinawi ko ang paa ni Bodjak para makahiga ako. "Boring kasi sa highschool kung walang syota."
"Sabagay." Sang ayon ni Shane. "Balak ko ngang ligawan si Ariel kaya lang baka mabasted ako."
Humiga na rin silang dalawa.
"Di mabasted. Manligaw ka ulit ng iba, hindi lang naman sya ang babae dito."
"Ako kaya sa tingin nyo sasagutin ako ni Dominique kapag niligawan ko?" Tumaginting ang tenga ko sa sinabi ni Bodjak.
"Siguraduhin mo lang na hindi Valdez ang apelyido nyang Dominique na liligawan mo. Baka ikaw ang makatikim ng kamao ko pag nagkataon." Subukan nya lang talaga.
Wala akong pakialam kung sino man ang ligawan nila basta off limits si Dom. Sobrang protective ko sa kanya tapos hahayaan ko lang ang ibang tao na lokohin sya? Hindi talaga ako papayag. Kung may manligaw man sa kanya dapat dumaan muna sa akin.
"Paano kung si Dominique Valdez hindi ba pwede?"
Napa upo ako. "Ang taas ng pangarap mo tsong." Bumangon ako. "Dyan na kayo cr lang ako."
"Labo nito. Mag usap muna tayo."
Hindi ko na sila pinansin at umalis na.
Sa totoo lang ayokong pag usapan si Dom sa ibang tao. Ewan pero naiinis ako, kaibigan ko sya at sa tingin ko hindi ok na maging topic namin sya.
BINABASA MO ANG
Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤
Romance"Kit love Dom, Dom love Kit?" Pwede kaya? Hmmmmm... Sana... xxxchoiixxx