Chapter 1

6.6K 137 15
                                    

Dominique's POV

"Kit ano ba. Tama na yan oh." Umiiyak kong wika kay Alicia, my best friend. Kanina pa sya umiinom at nagwawala. Hindi ko na alam kung paano ko pa sya aawatin.

"She's a bitch. Basta na lang syang nakipaghiwalay sa akin ng walang rason." Daing parin nito sa pakikipaghiwalay ng kanyang girlfriend na si Catlyn. Wala naman akong nakikitang luha sa mga mata nito pero naapektuhan parin ako.

I'm just so emotional sa lahat ng bagay. Hindi ko gustong makita syang ganito. Masakit para sa akin.

"Akin na nga yan." Inagaw ko ang bote sa kamay nito. I also wipe my tears. "Will you stop it? Marami pa namang babae dyan eh. Wag mo namang sirain ang katawan mo dahil lang sa kanya."

Tinalikuran nya ako. "She's perfect for me Dom. Hindi mo alam kung anong pakiramdam ko kasi hindi ka pa naman nasaktan. Hindi mo ako maiintindihan kahit kelan."

Nilapag ko ang bote sa lupa. Mabuti na lang walang ibang tao dito sa park.

"Kit." Niyakap ko ito sa likod. "Makakalimutan mo rin sya, don't worry. Ilang beses ka na bang nasaktan dahil sa kanila? This is not the first time that someone broke your heart right? Siguro ito na rin yung sign na tumigil ka muna sa pakikipag relasyon. You can't forget someone by getting into a relationship again. Take things slow. Wag mo na uling gawing panakip butas ang ibang babae para maka move on, pagkatapos sa huli ikaw rin naman ang masasaktan."

Pagak itong tumawa. "Nasasabi mo lang naman yan kasi buo ka. You have your family, you have your fuckin boyfriend. Eh ako? Ano? Ako lang naman mag-isa di ba? You can't blame me to find some attention and love. Hindi naman ako ikaw na maraming nagmamahal."

Kumalas ako sa yakap at hinarap ito. "Ako Kit? Hindi mo ba ramdam ang pagmamahal at atensyon na binibigay ko sayo? Ilang beses mo na yang sinasabi at ilang beses ko na rin tong sinasabi sayo pero hindi mo naman naaappreciate ang mga efforts ko. I know i'm just your best friend pero sana naman makita mo ako na nagmamahal sayo." Tumulo na naman ang luha ko. Nakakainis lang kasi eh. Andito naman ako lagi sa tabi nya pero pinipilit parin nyang walang nagmamahal sa kanya.

"Mahal mo ako?" Duro nito sa sarili. "Bullshit Dom!"

"Of course Kit mahal kita. B-best friend --"

"Ang kelangan ko girlfriend hindi best friend!" Putol agad nito sa sasabihin ko.

Hindi ako sumagot. Masakit ang sinabi nya pero ayoko syang patulan ngayon. I understand her, ganito naman talaga sya kapag nakainom walang pakialam sa mga sinasabi. Sanay na ako.

"Wag ka ngang umiyak." Mas lalo akong naiyak dahil sa naiinis nitong boses. "Just go home. Pabayaan mo na ako dito."

"Ayoko." Pinunasan ko ang mata ko. Pero naiiyak parin ako. I can't help it.

"Putang-ina naman." Pinulot nito ang bote ng alak at uminom ulit.

"Kit stop it." Nagmamakaawa kong wika.

Huminto naman ito. "Stop crying." Nagulat ako ng bigla nitong binato ang bote sa puno. "Pwede ba umuwi kana. Iwan mo na'ko dito."

"Ayoko nga." Pumadyak ako dahil sa inis. "Nakakainis ka na talaga." Tinulak ko ang balikat nito.

"Ayaw mo? Sige bahala ka dito. Aalis na ako." Tinalikuran nya ako at naglakad palayo.

"Kit!!!" Sigaw ko pero hindi parin sya huminto.

Hinabol ko sya. Ayokong maiwan dito.

"Ano ba Kit!" Malapit ko na syang mahabol ng bigla akong nakaapak ng matalas na bagay. "Aaahhhh!" Napasigaw ako sa sakit. Napaupo ako.

Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon