Chapter 2

3.8K 110 3
                                    

Kit's POV


*Still on the past

"Wala ka na talagang ginawang tama! Ganitong grades na naman ang ipapakita mo sa akin? Kit hindi ko pinupulot ang pera para lang sayangin mo." Binato ni dad ang report card ko sa akin. "Isang bagsak mo na lang at papahintuin na talaga ulit kita sa pag-aaral!"

Nanatili parin akong walang imik.

"Hon, lets go. Malilate na tayo sa meeting." Sigaw ni mommy sa may pinto.

"Yeah." Tumayo ito at nilampasan lang ako.

Nakayuko parin ang ulo ko kahit wala na ito sa harapan ko. Nakuyom ko ang dalawa kong kamay.

'Bwesit na buhay to. Di huminto. Kahit naman siguro ipasa ko lahat ng subject ko hindi parin nya ito mapapansin. Puro mga mali ko lang naman ang nakikita nya. Yun lang at wala na.'

For my 16 years of existence wala na akong ginawang tama. Lahat sa paningin ng mga magulang ko at mga kapatid ko ay mali ako at malas daw sa pamilya namin.

Dahil ba sa ganito ako? Oo tomboy ako pero hindi ako salot, hindi ako malas.

Isang taon nga akong pinahinto ni dad noon sa pag-aaral dahil sa mga bagsak kong grades. Paano ba naman ako gaganahang mag-aral kung dito palang sa bahay dina-down na nila ako.

Pinulot ko ang report card na nasa sahig at patakbong tinungo ang kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto agad kong hinanap ang bag ko. Pinatong ko naman ang card sa ibabaw ng study table ko.

I get my bag and cap. Aalis muna ako sa bahay, sigurado naman ako na kahit gabi na ako umuwi mamaya hindi rin nila ako hahanapin.

Lumabas ako sa kwarto at nilock ang pinto.

"Kit!" Bigla akong napahinto sa pagbaba sa hagdan.

Lumingon ako. "Bakit?" Tanong ko kay Iris. My sister. Ang pinakamatalino kong ate. Tss.. 2 years lang naman ang age gap namin.

"Saan ka na naman pupunta?" Humalukip ito habang papalapit sa akin.

"Sa labas." Tipid kong sagot at nagpatuloy ako sa pagbaba. Sumunod naman ito sa akin.

"Hindi ka parin talaga nadadala noh? Alam mong galit si dad sayo tapos aalis ka pa?"

"Ano namang bago?" Huminto ako sa may pinto at lumingon sa kanya. "Tsaka ba't parang concern ka yata ngayon? If I know gusto mo naman akong mawala sa paningin mo di ba?"

Tumaas ang isang kilay nito. "Hindi ako concern. Sige na lumayas kana nga." Tumalikod ito at umakyat ulit sa hagdan.

Lumabas ako ng bahay. Kinuha ko ang susi sa pantalon ko at tinungo ang garahe namin. Umangkas ako sa black big bike ko at pinaandar ito.

Habang nagmamaneho ako iniisip ko naman kung ano ang dadalhin kong pagkain para sa bestfriend ko. Si Dominique.

Chocolates ba o fries?

Uhmmm? Ang hirap naman. Lahat kasi gusto nya.

Napangiti ako habang iniisip ito. Dalawang taon na kaming magkakilala ni Dom. Simula nung araw na maging kaibigan ko ito hindi na kami mapaghiwalay. Lagi kaming magkasama sa school. Minsan nga napagkakamalan kaming may something daw. Alam naman kasi ng buong tao dun na tomboy ako.

Ako tinatawanan ko na lang sila, habang si Dom naman walang ka rea-reaksyon. Naisip ko tuloy na wala lang sa kanya ang mga sinasabi ng ibang tao sa school. Sabagay wala lang naman talaga yun. We're friends that's all.

Not so innocent (gxg) ❤DomCia❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon