Chapter 3: Zayne's Short Nap."ZAYNE, bilisan mong magsampay, ha? Malapit ng dumating ang mga bisita natin. Kapag 10am na at hindi ka pa tapos diyan, mamaya mo na lang ituloy. Hindi pwedeng kulang kayo kapag dumating sila, nagkakaintindihan ba tayo?" paalala ni Sister Anna sa kanya.
Nasa laundry area sila sa rooftop ng bahay ampunan. Lahat sila, may task doon everyday. Mga bata pa lang, tinuturuan na sila ng mga madre roon na gumawa ng mga gawaing bahay para raw matuto sila sa buhay. Pero syempre, kapag mga batang nasa 8 years old, hindi naman binibigyan ng mabibigat na task.
Siya ang nakatoka sa pagsasampay ngayong araw na nilabhan naman ng ibang mga kasama niya. Hindi naman kasi purket may bisita, hihinto na rin ang tambak ng labahan nila.
"Sige po, Sister Anna. Susunod po ako agad pagkatapos ko rito," nakangiting sabi niya.
Sa tuwing may bisita, gusto ng mga ito, kumpleto silang haharap. Syempre kapag may bisita, may chance na rin kasi na mag-ampon ang mga iyon. Kaya lahat sila, nagbibihis ng maganda at nagpapakabait para lang maampon. Nagpapaimpress kumabaga.
Maraming beses na rin siyang muntikan nang maampon. Pero madalas, hindi natutuloy. Gusto rin naman niyang magkaroon ng sariling pamilya pero madalas, naaawa siya sa ibang bata na mas bata pa kaysa sa kanya. Lalo iyong mga wala pang isip. Kaya madalas nagpapaubaya siya at sinasabi na iba na lang ang ampunin.
Isa pa, hindi pa siya handang magpaampon no'ng mga sandaling iyon. Masyado siyang napamahal sa ibang bata at mga madreng naroon. Para sa kanya, ang mga iyon na ang pamilya niya. At bukod doon, kahit papaano, umaasa pa rin siya na mahahanap pa rin siya ng nanay niya na iniwan siya noon. Kapag naampon kasi siya, imposible na siyang mahanap ng nanay niya.
Pero 12 years old na siya ngayon. Siguro ay talagang hindi na siya nito babalikan...
Nag-inat siya ng sarili nang matapos masampay ang mga nalabhang damit.
Tumingin siya sa orasan. 9:40 am pa lang naman. Mabilis lang naman siyang magbihis. Iidlip muna siya. Napuyat siya kagabi dahil tinuruan niyang magbasa si Tom. Isang 8 years old na batang halos kadarating lang din doon sa bahay ampunan. Sa edad nito, hindi pa rin ito marunong magbasa kaya siya na ang nagprisintang magturo.
Ang sabi nga ng mga madre doon, may potensyal daw siyang maging mabuting madre kapag laki niya. Kapag wala raw umampon sa kanya, magmadre na lang daw siya. Wala rin namang kaso sa kanya dahil iyon din ang pangarap niya.
Sa kabila ng nangyari sa kanyang pang-iiwan ng sariling magulang,
bata pa lang siya, mahilig na rin talaga siyang magdasal. Pangarap niyang maging mabuting tao at gumawa ng mabubuting bagay para sa iba katulad ng mga madre doon.Naisipan niyang humiga muna sa pahabang monoblock na naroon. Habang nakapikit, napapaisip siya kung ano kaya ang feeling na magkaroon ng totoong pamilya ulit? Iyong may nanay, tatay at mga kapatid?
Hindi kaya oras na para mag-move on?
BINABASA MO ANG
Daddy's Hidden Love
RomantikIsang lalaking naobsess sa isang babae na inampon niya sa orphanage. Magiging higit pa kaya sa dapat ang relasyon nila?