Chapter 21: Damien's Other Side.
Written By BlackRavenInk16"I WANT HERE TO THERE. Pack everything in her size."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ni Daddy Damien nang magpunta sila sa isang mamahaling botique sa isang mall. Isang piraso ng damit pa lang na damit mula roon, halos kasing taas na ng isang buwang sahod mula sa isang may kayang pamilya tapos gusto pa nito, hindi lang isa kung hindi lahat?!
"Daddy, bakit lahat? Ang dami ko pa pong damit sa bahay!" hindi makapaniwalang tanong niya.
Ngumiti lang ito.
"And why not? You said that you like them earlier--"
"Pero hindi naman po ibig sabihin na gusto ko pong bilhin lahat. Ang mamahal po nito--"
"Don't even think about money. Do you know how much I'm getting from my companies everyday? Billions, Zayne. Kung tutuusin nga, I don't even need to work but I still do it because I need to be a proper man for you and I want you to see that I'm doing something worthwhile. But even if I don't do anything, magkakapera pa rin ako bawat segundo. Para sa akin, barya lang ang mga ito," sabi pa nito.
Tama nga naman ang sinabi nito. Pagdating sa kanya, simple lang kung kumilos si Damien at wala rin naman silang katulong sa bahay kaya kadalasan, nakakalimutan na niya na bilyonaryo ang kasama niya sa bahay. Pero ngayon, higit sa sampung bodyguards ang nakabantay sa kanila. Ganito ba talaga ang daddy niya kapag nasa public place ito?
Sa totoo lang ay hindi niya alam dahil ngayon lang sila nagkasama na magmall. Kaya nga nalusaw ang galit niya rito sa ginawa nito kagabi nang bigla siya nitong niyayang mamasyal.
Madalas kasi, sa bahay lang sila. For some reason, naiisip pa nga niya na baka tinatago ng daddy niya ang presence niya sa ibang tao. Kapag tapos kasi ng klase niya, uwi agad siya. Hindi siya nito pinapayagan na gumala kasama si Cherry pagtapos ng klase.
Literal na school-bahay lang siya. At kahit may cellphone siya, special number ang gamit niya. Hindi iyon matatawagan ng kahit na sino na hindi nakasave ang number sa kanya at wala rin iyong internet.
Oo. No internet. Kaya siguro nananatili pa rin siyang mangmang sa maraming bagay ay dahil wala siyang internet access. Ni wala siyang FB, Instagram or Tiktok na palaging sinasabi ni Cherry na gumawa siya. Ayaw din ng daddy niya na gumawa siya ng mga accounts doon. Hindi na lang siya nangungulit dahil ayaw niyang magalit ito.
Pero kapag sabado at linggo naman, palagi silang magkasama. Sa bahay nga lang.
Kahit kasi grocery ay mayroon na rin sa ibaba ng condo. Lahat ng kailangan nila ay nasa condo na. May gym, swimming pool, maliit na chapel at activity area nga rin doon. Ang yaman siguro ng may-ari ng building na iyon.
Pero naisip din niya, kahit naman siya ay hindi rin nawawalan ng bodyguards na nakabantay sa kanya. Pero tatlo lang, hindi katulad ng sa daddy niya na sobrang dami. Ayaw nga sana niya pero wala siyang magawa. Ang sabi nito ay pinoprotektahan lang daw siya nito dahil baka mapahamak siya. Lalo at mayaman ito. Siguro iyon ang dahilan kaya parang tinatago siya nito sa mundo.
"Pero daddy, I still think this is too much. I-donate na lang natin sa orphanage ang--"
"Even if I buy all of these, I still have something to spare with the orphanage, okay? Mayaman ang daddy mo, huwag mong tipirin ang sarili mo. I gave you a black card but you never use it. Do you know that you can literally buy everything with that? Even your own car if you want," sabi nito na hinaplos pa ang mukha niya.
Medyo nailang siya dahil nakatingin ang mga sales lady doon sa kanila.
"Sige po, daddy. Kayo na po ang bahala..." sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/371919045-288-k522684.jpg)
BINABASA MO ANG
Daddy's Hidden Love
RomanceIsang lalaking naobsess sa isang babae na inampon niya sa orphanage. Magiging higit pa kaya sa dapat ang relasyon nila?