Hi guys, may ibang readers nakakalimutan na yata na red flag si Damien. He's not guy who will hesitate to make a move on someone even if it's Zayne. Pigil na pigil lang talaga siya kasi mahal niya but he have demons inside him. Kaya mas maigi, don't expect too much from him na lang. Hindi siya green guy, I repeat, pula siya. Hahaha!
And si Damien po talaga ang bida sa story kaya huwag po kayong magtaka kung bakit sa kanya palagi focus ang story at may pagkaharem din ito.
Chapter 18: H*t Night.
Written by BlackRavenInk16GUSTUHIN mang umuwi ni Damien ng maaga ay hindi niya magawa. Ang dami kasing dapat asikasuhin sa trabaho. Bukod do'n, kailangan pa niyang imeeting ang mga empleyado niya dahil may hinahabol silang deadline para sa launching ng isang app.
Kaya naman inaasahan niya na kapag uwi niya ay tulog na rin si Zayne sa bahay pero hindi, naghintay talaga ito sa kanya.
"Baby, kumain ka na ba? I'm really sorry, I've been very busy," apologetic na sabi niya.
"Alam n'yo naman po na ayokong kumain ng mag-isa. Syempre po, hihintayin ko po kayo. Nag-order na lang po ako ng pizza. Iinitin ko na lang po," sabi nito.
"I'm sorry, hindi na kita napaglutuan."
"Hindi n'yo po kailangang magsorry dahil mahalaga po ang trabaho. Saka marunong naman po akong magluto. Naisip ko lang po kasi na gabi na kaya baka hindi rin po natin mauubos kapag nagluto pa," sabi nito.
Bumuntong-hininga siya. Hindi talaga marunong magtampo si Zayne. Napakaunderstanding nitong bata. Kaya lalo lang niya itong minamahal, e.
Siguro kung ibang bata lang ang inampon niya, knowing na isa siyang bilyonaryo, ay baka kung ano-ano na ang hiningi. But Zayne is different. Kahit malaki ang allowance na binibigay niya rito, sobrang bihira lang nito gumastos. Ni hindi ito mahilig makipagtropa o gumimik sa labas. Sa halip, ang perang binibigay niya, madalas ay dino-donate pa nito sa orphanage ni Randolph. Kahit sinasabi niya na bibigyan niya ito ng seperate budget para roon ay tumatanggi ito. Ang sabi nito ay hindi na raw kailangan dahil sobra-sobra na raw ang naibibigay niya.
Zayne is like an angel. Kabaligtaran niya na may tinatagong kademonyohan sa katawan na anytime, maaaring sumabog.
Si Zayne, hanggang ngayon, personal pa rin itong bumibisita sa orphanage kapag may time ito. Hindi nga lang siya sumasama dahil wala talaga siyang interes sa pagkakawang-gawa. Palagi itong may pafeeding program sa mga bata at may dalang mga regalo. Nagtuturo rin ito sa mga maliliit na bata na magbasa. Hindi man official, para na rin talaga itong madre.
Isang bagay na never niya hahayaang mangyari. Kahit iyon ang pangarap ni Zayne, sorry na lang ito dahil hindi na iyon matutupad. Dahil mas uunahin niyang matupad ang pangarap niya at iyon ay ang mapasakanya ito kahit ano pa man ang mangyari.
Mabuti na nga lang at nakikipagcooperate sa kanya si Randolph. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagkikita sina Sister Anna at Zayne. Inassign nito sa malayong probinsya ang madreng iyon at sana lang, huwag na iyong bumalik. Mahirap na, baka mawala pa sa kanya si Zayne.
Iyon lang at sabay na silang kumain. Ininit nga nito ang pasta at pizza sa ref. Pagkatapos no'n ay naligo na ito at nagtoothbrush. Siya naman ang sumunod pagkatapos nito. Routine na nila iyon bago matulog para mas masarap ang yakapan nila lalo at parehas silang mabango.
"Next time, baby, don't wait for me. Ayaw kong napupuyat ka nang dahil sa akin. Lalo iyong nagugutom ka pa," sabi niya habang nagpupunas pa ng tuwalya sa buhok matapos maligo. Nasa sala naman ito at nanonood ng late news sa tv.
Ngayon lang kasi nangyari na ginabi na siya ng uwi. Madalas, halos hilahin niya ang oras para lang makauwi agad kay Zayne.
Parang nag-alangan ito pero maya-maya ay sinabi na rin ang nasa isip.
BINABASA MO ANG
Daddy's Hidden Love
RomanceIsang lalaking naobsess sa isang babae na inampon niya sa orphanage. Magiging higit pa kaya sa dapat ang relasyon nila?