Chapter 17: Zayne's Point of View About Damien.

384 3 0
                                    

Chapter 17: Zayne's Point of View About Damien.
Written by BlackRavenInk16

KAHIT nasa harapan ng pagkain, tulala pa rin si Zayne. Lunch na kaya naroon sila ng kaibigang si Cherry para kumain sa canteen.

Hindi pa rin maalis sa isipan niya iyong nangyari kaninan umaga. Hindi siya makapaniwala na nakita siya ng daddy niya ng hub*d!

Mukhang wala lang naman dito iyon. Halata namang sanay nang makakita ng iba't-ibang hub*d na babae ang daddy niya dahil ang sabi ni Randolph kapag nabisita ito sa kanila, playboy daw ang daddy niya at matinik sa chicks. Imposible nga namang hindi, masyado itong gwapo para maubusan ng babae.

Pero nakakahiya pa rin. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may nakakita ng katawan niya. Sa Daddy pa niya! Sobra talagang nakakahiya!

"Hoy, friend! Bakit naman sobrang seryoso ka riyan?" untag sa kanya ni Cherry.

"Wala girl, iniisip ko lang iyong assignment natin mamaya. Nakalimutan ko kasing gawin," sabi niya. Nakalimutan naman kasi talaga niya. Niyaya kasi siya ng daddy niya na maglaro ng playstation kagabi. Naaliw naman siya kaya hindi na niya nagawa ang assignment.

"Hayy, ano pa nga ba, alangan namang boylet ang iniisip mo. Mas malabo pa sa pagputi ng uwak iyon," dismayadong sabi ni Cherry.

"Bakit naman ako mag-iisip ng lalaki? Ang bata-bata pa natin," sabi niya.

"Luh, 16 ka na kaya, tatlong buwan na lang 17 na. Ano ang masama ro'n? Iyong iba nga riyan, 14 pa lang may syota na. Katulad ko. 3 years na kami ng boyfie ko," proud na sabi nito. 17 lang ito pero may boyfriend na.

"Alam mo namang hindi ako pwede sa ganyan. Magagalit sa akin si Daddy. Sabi niya, bawal daw magboyfriend," sabi niya.

"Sabagay. Ganyan din sina Mommy at Daddy sa akin. Pero pwede namang isikreto iyon. Paano nating maeenjoy ang teenage life natin kung walang kaunting thrill?"

"Ayoko pa rin. Wala akong hilig sa lalaki," sabi niya.

"Ah, ewan. Baka naman kasi babae ang trip mo. Aminin mo na!"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Lalaki man o babae, wala akong paki. Kasi gusto kong magmadre balang araw!"

Napangiwi ang kaibigan niya.

"Ang ganda-ganda mo tapos madre? Sayang naman girl!"

"Kahit kailan, hindi magiging sayang ang paglilingkod sa Panginoon."

"Amen," pang-aasar pa ni Cherry.

Naiiling na tinawanan na lang niya ang kaibigan. Siguro kahit kailan ay hindi nito maintindihan dahil nakatira ito sa mga tunay nitong magulang.

Samantalang siya, adopted father lang niya sa Daddy Damien kaya nahihiya siyang maging pasaway dito. Kahit naman hindi siya matalino, pinipilit niyang makakuha ng matataas na grades para hindi ito madisappoint sa kanya at lahat ng gusto nito, sinusunod niya.

Para sa kanya, lahat ng sinasabi nito ay ang nakakabuti lang para sa kanya. Tinitingala niya ito at pinahinahangaan sa lahat. Lalo pa at binigyan nito ng pamilya ang isang katulad niya na ulila na.

Simula nang ampunin siya nito, nagbago ang pananaw niya sa buhay. Noon, ang akala niya, walang may gusto sa kanya kaya walang nag-aampon sa kanya pero si Daddy Damien, araw-araw, pinaparamdam nito sa kanya na may tao pa rin palang magmamahal sa kanya at bibigyan siya ng halaga. Na habang buhay pala ay may pag-asa.

Palagi silang masaya ng daddy niya. Namamasyal sila palagi, tinuturuan siya nito sa mga assignments niya kapag nahihirapan siya at kahit kailan, hindi ito nawalan ng oras para sa kanya.

Daddy's Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon