Chapter 11: Dream Come True.

382 6 0
                                    


Chapter 11: Dream Come True.
Written by BlackRavenInk16

"ANO PO? Aampunin n'yo po ako?"

Hindi makapaniwala si Zayne sa narinig niya. Aampunan daw siya ni Mr. Castillano.

"Yeah. Ayaw mo ba?" nakangiting tanong nito.

Tiningnan niya ulit si Mr. Castillano mula ulo hanggang paa.

"Hindi po ba parang masyado naman po kayong bata para maging papa ko?" tanong niya.

Tumawa ito ng mahina.

"Hindi lang halata but I'm 15 years older than you, Zayne. Marami riyang 15 pa lang, nagkakaroon na ng baby. Kaya I'm old enough to be your dad."

"Pero bakit po gusto ninyo akong ampunin?" nagtatakang tanong niya.

"And why not? Mukha ka namang mabait na bata. Besides, I'm an only child, I always want to have a little sister before and I can see it in you--"

"Kung ginagawa po ninyo ito kasi po naaawa po kayo sa akin, huwag na po. Ayaw ko pong sa bandang huli, magsisi po kayo at magaya sa mga nag-ampon sa akin. Na hindi po pala ako kayang panindigan. Kaya mabuti pa siguro kung pag-isipan n'yo po muna."

Kinulong ni Mr. Castillano ang mukha niya sa dalawang kamay nito saka siya tinitigan ng maigi sa mga mata.

Natulala siya sa ganda ng asul na mga mata nito. Para itong pusa. Ganito ang magiging papa niya? Parang masyado itong gwapo para maging papa lang niya. Baka walang maniwalang mag-ama sila.

"Listen to me, Zayne. I will never do what they did to you. Kahit magunaw pa ang mundo, nasa tabi mo pa rin ako. Just trust me, okay?"

Natahimik siya. Siguro nga ay talagang natatakot na siyang magtiwala. Masyado siyang umasa at naging masaya na may nag-ampon sa kanya pero mabilis lang na binawi sa kanya iyon ngayon kaya parang takot na siyang sumubok ulit.

"Come on, Zayne. Inaayos na ni Randolph ang mga papers mo.  Magpaampon ka na sa akin, please? Ibibigay ko lahat sa 'yo. Alahas, damit, gadgets. Just name it. Gusto mo kotse pa. Pag-aaralin din kita. Iyon ang maipapangako ko," untag nito nang hindi siya makapagsalita.

"Wala po akong pakialam sa materyal na bagay. Ang gusto ko lang po ay pamilya," sabi niya.

"I'm sorry, Zayne. Sa tingin ko ay hindi kita mabibigyan ng mama pero ang maipapangako ko, magiging mabuti akong ama para sa 'yo. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka," sabi pa nito.

Bumuntong-hininga siya.

Mukha namang mabait si Mr. Castillano. Crush pa ito ni Sister Anna at masyadong maselan sa lalaki iyon kaya sa tingin niya, kung ang gaya ni Sister Anna ay nagustuhan ito, siguro nga ay mabuti rin itong tao.

"Sige po, payag na po ako--"

"Kung ganoon ay umalis na tayo rito. Buti at hindi mo pa naayos ang mga gamit mo rito pabalik. Come on, umuwi na tayo," excited na itong tumayo.

"Wait! Ngayon na po agad?" Nagulat na tanong niya. Iniisip niya, mga ilang araw pa ang palilipasin nito bago siya isama.

"Yeah, alam na ni Randolph na iuuwi na kita so let's go! I can't wait to be with you, Zayne!" nakangiting sabi nito.

Ewan niya pero parang ang bilis ng pangyayari na para bang planado ang lahat. Ang akala niya, naaawa lang sa kanya si Mr. Castillano dahil nakita siya nitong umiiyak kaya nag-offer ito na ampunin siya pero bakit inaasikaso na agad ang mga legal papers niya for adoption? Para bang ineexpect na nito iyon.

Umiling siya. Hindi niya na dapat isipin iyon. Dapat magpasalamat na lang siya na may willing pa rin na mag-ampon sa kanya.

Wala na siyang nagawa nang hinawakan na siya ni Mr. Castillano paalis doon sa rooftop.

Daddy's Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon