Chapter 9: Damien's Threat

375 9 0
                                    

Chapter 9: Damien's Threat
Written by BlackRavenInk16

SOBRANG SAYA ni Zayne sa bago niyang pamilya. Pangalawang araw pa lang niya rito pero feeling niya, at home na agad siya.

Totoong mahirap lang ang mga nakaampon sa kanya na sina Tatay Simon at Nanay Maitha pero ang babait at disente ang mga ito. Ang kinabubuhay ni Tatay Simon ay ang pagiging mekaniko nito habang nagtitinda naman si Nanay Maitha sa palengke.

Gusto nga sana niyang tumulong sa pagtitinda pero ang sabi nito, ienjoy muna raw niya ang sarili niya roon.

Maraming kabataan kasi ang naroon sa lugar na iyon. Unang araw pa lang, marami na siyang naging kaibigan. Para siyang nasa bahay ampunan pa rin. Maraming kasama, masaya, pero ang kinaibahan lang, kasing edad na niya ang mga kasama niya.

Mababait ang mga kapitbahay nila at sa lugar na iyon, parang pamilya na rin ang turingan nila.

Ngayon nga, naglalaro siya ng baraha sa tapat ng bakuran nila kasama ang mga bago niyang kaibigan. 5pm na at inaabangan na lang niya ang mga bagong magulang na umuwi. Nakapagluto na rin siya para masiguro na magpapahinga na lang ang mga ito pagdating.

"Zayne, sino 'yan?"

"Ang pogi!"

"Sosyal, ang daming bodyguards! Mukhang imported!"

"Nakatingin siya rito, girl!"

Sabi ng mga kaibigan niyang kalaro niya sa baraha. Mga lima silang naroon.

Napalingon siya sa sinasabi ng mga ito. May pumaradang mga kotse sa tapat ng bahay nila at mula roon, may mga lalaking nakatingin sa kanila.  Sampu ang bodyguards na naroon at sa tingin niya ay isang butler na may katabing isang lalaki.

"Mr. Castillano?"  sabi niya nang makilala iyong lalaking nasa gitna.

Hindi madaling kalimutan ang mukha na mayroon si Mr. Castillano pero ewan ba niya kung bakit nakalimutan agad niya ito 2 years ago. Siguro dahil 12 pa lang siya noon at hindi rin naman kasi sila gaanong nakapag-usap noon. Ang palaging kausap lang kasi nito ay matatanda.

Bukod tangi ang itsura nito. Matangkad at gwapo. Maputi ito at makinis ang balat. Maganda rin ang asul na mga mata nito na may mahahabang pilik mata. May jaw line din ito na lalong nakadagdag sa appeal nito. Bukod doon, the way he speak and walk, makikita na agad ang nag-uumapaw na self confidence. Businessman ito pero para itong Hollywood actor. Alam niya, hindi ito purong pilipino.

Naibaba niya ang mga hawak na baraha. Nagtataka siya kung bakit narito ang pinakamayamang sponsor nila sa orphanage.

"Long time no see, Zayne. How are you?" nakangiting tanong nito.

"Ayos naman po ako! Ano po ang ginagawa ninyo rito?" nagtatakang tanong niya.

Hindi naman sila close para bisitahin siya nito. Isang beses pa lang niya itonh nakakausap. Iyon ay no'ng 2 weeks ago noong bumisita ito sa orphanage. Pero halos wala pa silang limang minutong nag-usap noon. Naging busy kasi ito sa pakikipaglaro no'n sa mga bata.

"I want to speak with your parents. Andiyan ba sila?" tanong nito.

"Sino po sila?"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin pa sana dahil dumating na ang bagong mama at papa niya na galing sa trabaho.

"Mama! Ako na po riyan sa dala ninyo!" sabi niya na nilapitan ang bagong ina sabay kuha sa basket nitong may mga gulay.

Sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng bahay na gawa sa kahoy. Iyong mga bodyguards, naiwan lang sa labas. Si Mr. Castillano at ang butler lang nito ang pumasok na may dalang suit case.

Daddy's Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon