CHAPTER 2

122 12 1
                                    


Alyzthena's POV

       "Oh, ba't ka tulala jan, Aly?", pagyugyog sakin ng kaibigan ko na sa Sabby.

       "Huh?"
       "Oh, diba nakatulala ka, ano bang iniisip mo?"
       "Kilala mo yun?", tinuro ko gamit nguso ko yung babaeng nagtanong sa meeting kahapon. We're currently in the cafeteria, lunch time namin.

       "Ah, sya ba? Si Sam yan. Nako, ubod ng sungit yan, di nga nagsasalita e."

       Sam pala name nya. It suits her, nakakapogi. Hala anong pinagsasabi ko, erase erase.

       "NAKATULALA KA NA NAMAN!", nagulantang ako sa pagsigaw ni Sabby.

       "Ano ba Sabby? Ang ingay mo nakakahiya"
       "Ano ba kasing iniisip mo at tulala ka? Inaway ka ba ni Sam? Binully ka ba ha?!"
       "Hoy, hindi ah. Bago lang sya sa paningin ko, yun lang."
       "Sus, sabihin mo, crush mo."

       Nanlalaki ang mga mata na tinakpan ko ang bibig netong maingay na kaibigan ko.

       "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko crush yan. Ang lakas pa ng boses mo, nakakahiya."

       Nginitian lang ako ng unggoy na to, at sya naman itong sinamaan ko ng tingin.

       Tinignan ko ulit si Sam at medyo nagulat ako nang may kasama na syang lalaki. Grabe makangiti yung lalaki.

       "Siguro bf nya yun.", wala sa sariling usal ko.

       "Si Kiel? Nanliligaw lang yun kay Sam. Para namang walang chance yung lalaki na yun, tignan mo hindi sya pinapansin.", sabi ni Sabby. Narinig pala nya yung sinabi ko, hays.

       After that, the bell rang. Tanda na babalik na kami sa room para magklase na naman.

TBC...

Stalking Ms. Grumpy Where stories live. Discover now