Sabby's POV
"Oh, ang aga mo naman te. Sabi mo mamaya ka pang 2?" Bungad ko kay Aly nang pumasok na sya sa bahay. Naka-dress na sya na simple na bagay na bagay sa kanya.
"Ahm, surprise?" She said at may pilit na smile. Weird.
"Surprise ka jan. Tulungan mo na lang ako mag-ayos." sabi ko. May nangyari dito sa babaeng to. Magkukwento naman sya kung gusto nya, di ko na sya tatanungin. Friends na kami since junior high school kaya super close na namin, open na rin kami sa isa't isa. Kaya masasabi kong may problema sya ngayon, her eyes tells me.
Tinulungan na nga nya akong mag-ayos ng buhok ko. Panay daldal ako sa kanya, sya naman ay natawa pero halatang pilit.
Alyzthena's POV
Di na ako kumain sa school, umuwi na agad ako. Nawalan na ako ng gana e. Nalulungkot ako e. Pero kasya magmukmok ako rito ay pupunta na lang ako kay Sabby. Ayoko naman mag-aksaya ng luha no.
Nagbihis na ako at nag-ayos. Tatambay na lang ako kila Sabby.
______________________________
At exactly 5pm ay nagsimula na ang party. Simple celebration lang naman dahil ayaw nya nang bongga kahit debut nya na. Close friends at mga kamag-anak lang nya ang narito. Masaya naman yung party. Di ko na kinwento yung kanina baka kasi masira ko lang yung mood e.
Nandito lang ako sa table kasama ko yung mga friends ni Sabby, di ko naman kilala kaya tahimik lang ako na nainom ng wine. Oo, kanina pa ako nainom ng wine na to. Medyo mapait pero ok na to, nahihilo na nga ako e. Nasa stage kasi si Sabby kaya wala akong kausap dito. Sa garden nila ginanap, ang ganda nga ng decorations e.
Todo ngiti lang naman ang ginagawa ni Sabby tuwing may babati sa kanya. 18th candle nya ako kaya mamaya pa ako. Nang malapit na ako kay kinuha ko yung bag ko sa katabi kong bakanteng upuan. Titingnan ko kung maayos pa mukha ko hehe.
"May I sit here, Ms.?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Kita ko ang medyo gulat sa mukha nya, lalo naman ako. Siguro namamalikmata lang ako sa nakikita ko ngayon. Ang ganda...
TBC...
YOU ARE READING
Stalking Ms. Grumpy
Romance____________________________ DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any character names‚ places‚ incidents are just from the author's imagination. Beware of grammatical errors and typos. ____________________________ Lumiko na si Sam papuntang...