CHAPTER 10

79 12 1
                                    


Alyzthena's POV

       Dali-dali ko nang tinapos ang pag-aayos ng curtain. Pag ako natapos dito, iiwan ko to mag-isa dito. Bahala sya sa buhay nya.

       Patapos na ako dito sa isang bintana, last na tong curtain na to. Binilisan ko na kasi talaga kilos ko. Kakamadali ko naman ay nalalaglag yung kalahati ng kurtina! Napasama kasi yung bakal sa paghawi ko ng kurtina. Kailangan ko pang iusog yung bakal sa gitna at ayusin yung pwesto ng kurtina. Pag minamalas ka nga naman oh, lalo pa ata akong matatagalan dito.

       Hirap na hirap akong tumingkayad at abutin yung bakal, di ko kasi abot e. Masyadong mataas. Nangangalay na rin ang braso ko dahil sa pilit na pag-abot.

       Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng may tao sa likod ko na tinutulungan akong ayusin ang kurtina. Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko at nakita kong sobrang lapit ni Sam sakin! Ang bango nya!

       Bandang leeg lang nya ang nakikita ko ang pink nya na lips. L-Lips?? OMG!

       "Done staring?" Napabalik naman ako sa pwesto ko nang marinig ko ang sinabi nya. Nakakahiya. "It's done, ano pang aayusin mo?"

       Napatingin naman ako sa kamay ko na wala namang ginagawa, luh nakakahiya. "T-Thank you." I said nang hindi tumitingin sa kanya.

       Sa wakas umalis na rin sya sa likod ko. Pwede na akong umuwi hehe.

       Napatingin naman ako sa ginagawa nya, di pa sya tapos. Nagdidikit kasi sya ng poster ng movies sa malaking cardboard, ang bagal naman nya. Ang dami pa nyang gagawin!

       Lumapit na ako sa bag at bibitbitin na sa ito, kaya lang naba-bother ako sa kanya! Kahit na gustong-gusto ko nang umuwi, lumapit pa rin ako sa kanya. Di kaya ng konsensya ko na iwan ko sya, tinulungan kaya nya ako kanina. Babawi lang ako, nothing more nothing less. Yun lang yun.

       I just found myself na dahan dahan nang umupo sa tabi nya, di yan sobrang lapit ah. Nahirapan pa akong umupo dahil nakapalda ako, sya naman ay naka-pants. Di ako komportable sa pwesto ko, nung nakaupo kasi ako ay medjo exposed yung legs ko, dapat pala nagbaon ako ng pants!

       "Let me help." I said at kinuha ang gunting sa lapag, di man lang sya tumingin sakin. Bago pa ako magsimulang maggupit at inayos ko pa palda ko, ang hirap talaga ng pwesto ko!

       Nakita ko sa peripheral vision ko na tinanggal nya yung laman ng tote bag sa lapag, mga gamit pang-design yung laman. Umiwas naman ako ng tingin, pake ko ba dyan. Naramdaman ko naman na nilagay nya yhng tote bag sa ibabaw ng legs ko. Luh, for me pala yun. Huhuness.

       "T-Thanks." I said at ramdam kong uminit ang pisngi ko. Nahihiya ako hindi kinikilig ha.

       Tahimik na kaming gumagawa rito. Walang may balak magsalita, mabuti naman at di ko naman talaga sya papansinin e.

       *GROWL*

       Nanlalaki ang mga mata na hinawakan ko ang tyan ko, galit na tyan ko! Gutom na ako huhu. Napatingin naman sakin si Sam.

       "Di ako yun ah!" Sabi ko bilang depensa sa sarili ko. Mahina tuloy syang napatawa.

       "Sige na, ako na yung gutom." She said at tila tawang-tawa pa. Nakakahiya!

        After 10 minutes ay tapos na kami. Ramdam ko na talaga ang gutom. Nagliligpit na kami ng mga gamit dito. Gusto ko nang umuwi, super hungry na ako!

       "Una na ako." I said habang binibitbit ang bag ko. Nasa may pintuan na ako nang magsalit sya.

       "Wait me." She said. Aba't!

       Nakasandal sa hamba ng pintuan at naka-cross arm akong nakatingin sa kanya. Ang bagal nya kumilos!

       "Bilisan mo naman Myrh." I said and it sounds irritated na. Ramdam ko rin na nagsasalubong na kilay ko. Gutom na gutom na ako!

       Natatawa na tumingin naman sya sakin. Lalo naman akong nainis nang makita ko na binagalan nya lalo kilos nya. Nag-aasar sya!

       Nagdadabog na lumabas na ako, bahala na sya sa buhay nya! Sya na nga tong inaantay tapos mang-aasar pa.

       "Saglit lang, Aly!" Rinig kong sigaw nya. Di ko sya pinansin, bahala na sya!

       Medyo nakakalayo na ako sa room na yun nang magulat ako dahil sa biglaang paghawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa may-ari ng kamay na to. Lalo akong nagulat nang makita ko kung sino ito. Si S-Sam...

TBC...

Stalking Ms. Grumpy Where stories live. Discover now