CHAPTER 3

96 11 1
                                    

Alyzthena's POV

       After discussion uwian na namin at exactly 5pm. Naglalakad na kami ni Sabby ngayon palabas ng university nang bigla kong makita si Sam na nakaupo sa bench malapit sa stage. She's just using her phone, wala syang kasama.

       "Ah Sabby, pwede bang mauna ka na? May dadaanan pa pala ako sa library."
       "Sige te, di na kita masasamahan. Uwing uwi na ako e."
       "Ayos lang. Una ka na. Bye."
       "Bye. Ingat ka ah."

       Nang masiguro kong wala na si Sabby ay pumunta ako sa may puno na medyo malapit kay Sam. Nilabas ko yung libro ko at nagkunwaring nagbabasa. Oobserbahan ko lang naman si Sam, wala naman sigurong masama dun no.

       Napakunot ang noo ko nang bigla syang ngumiti habang nakatingin sa phone nya. Ang ganda ng smile nya, grabe. Siguro kausap nya yung manliligaw nya, psh.

       Bigla itong tumayo at binitbit ang bag nya. Uuwi na siguro sya. Nang nasa may gate na sya tsaka ko naman napagpasyahan na tumayo na, syempre para di halata hehe. Nakasunod pa rin ako sa kanya, nag-cellphone pa ako para lalong di halata.

       Naglalakad na kami dito sa labas ng university. Saan kaya bahay nya no?

       After 5 minutes of walking, bigla syang huminto. Napansin ko na tumigil na sya dito sa tapat ng isang 2-storey house. Dito na ata bahay nya. Nang pumasok na sya tsaka naman ako umuwi na. Malayo pa bahay ko e. Kung si Sam, 5 minutes na lakad lang, ako magdadalawang sakay pa hehe.

          Pag uwi ko sa bahay, I went straight to my room. Ako lang naman kasi mag isa rito, my parents are busy at work, naiintindihan ko naman.

          After ko magbihis, humiga ako at nag-order ng pagkain online, ayoko magluto e.

          Naisipan ko na lang ichat si Sabby. I will just ask some questions sana di nya ako mahalata na crush ko na si Sam. Atleast aminado na ako, duh.

____________________________
sabbyyy

:hi sab

:{ano te?}

:crush ko na si sam, ang cool nya sabbb

:{OMG! SABI NA E}

:ano name nya sa fb sabby?

:{aba malay ko dun, stalker ka tapos sakin mo pa hihingin}

:edi wag, di na tayo bati
____________________________

       Di pala nya alam fb acc ni Sam, ako na lang gagawa ng paraan hehe.

       After ko syang makausap ay dumating na ang inorder kong food. I ate then slept.

TBC...

Stalking Ms. Grumpy Where stories live. Discover now