Alyzthena's POV
Masaya akong naglalakad dito sa hallway, papasok na ako sa room namin. Guess what, nahanap ko na fb acc nya hehe.
And now, sisilip muna ako sa room mya, para alam ko kung saan sya nakapwesto hihi. I quickly fix my hair to make me look super good. Dahan dahan na akong naglakad. Straight yung face ko pero yung mata ko nakatingin sa side ng room nila, ayos lang kahit magmukha akong baliw. Nalagpasan ko na yung isang door nila, di ko pa sya nakikita, hays.
Napagpasyahan ko na lang na dumeretso, ayoko na di ko sya nakita huhu. But for the last time, lumingon lang ako. Yung mabilis lang talaga. Laking gulat ko naman nang makita kong, nakatingin sakin si Sam!!
Mabilis naman akong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Grabe, di man lang sya nangiti, bat naman kasi nya ako ngingitian no. Dali dali na akong pumunta sa room na animo'y kinikilig. OMG! Ang pogi nya! Lalo na yung hair nya, naka-werewolf cut sya na di abot sa balikat yung haba. Samahan pa ng poging outfit nya. KYAHH!!
Nakangiti na tuloy akong nakikinig sa discussion kahit wala naman akong naiintindihan hehe. Even Sabby finds it weird, bat daw ako nakangiti. Bawal na bang maging masaya?
____________________________
AFTER CLASS
Mag-sstay kaming SSG ngayon para maasikaso na yung mga gagamitin namin for event. For sure, gabi na akong makakauwi neto. Uunahin muna namin gawin yung mga decorations and other stuff. Hays, kakapagod.
Bigla naman akong nabuhayan ng loob nang makita ko na pupunta dito ang mga BSP. Yes, tutulong sila. Thank you Papa G. May motivation na ako!!
Lahat kami ay abala na, gusto na kasi naming matapos at umuwi na. Buti marami kami at for sure matatapos na to.
"Can I borrow your scissors?" someone asked behind me. "Here." I said as I handed what she asked. "Thank you, Ms. Salvania." I froze. I slowly look behind me to see Sam na may kaunting ngiti sa labi, ang tipid ngumiti ah.
"A-Ah... E-Eh... Y-You're welcome." Utal utal na sabi ko. Umiwas na ako ng tingin because I felt my cheeks burning. Huhuness, grabe.
At exactly 7pm, natapos na kami. Uuwi na, malayo pa naman ako, hays.
Palabas na kami sa school and nauna na yung iba. Kaming may matataas na position na lang ang naiwan.
"Ms. Salvania, you can go ahead na, malayo pa bahay nyo." Atom said. Our SSG President. "Thank you, Pres. Uuwi na talaga ako ha."
Nandito na ako sa tapat ng school, wala akong kasabay. Ako lang mag-isa rito, I don't know what to do. Eh kasi naman, tatawid pa ako para makasakay ng jeep, di ako marunong tumawid huhu.
Nagpapapandyak ako nang paa dahil ang daming sasakyan, di ako makatawid. Naiiyak na rin ako, dahil sa asar. "Pa'no ba kasi tumawid?" Nagmamaktol na bulong ko sa sarili ko.
"Do you want me to help you, Ms. Salvania?" Someone asked behind me. I froze nung tinignan ko kung sino ito. Umurong na dila ko, help.
TBC...
YOU ARE READING
Stalking Ms. Grumpy
Romance____________________________ DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any character names‚ places‚ incidents are just from the author's imagination. Beware of grammatical errors and typos. ____________________________ Lumiko na si Sam papuntang...