CHAPTER 7

86 12 1
                                    

Alyzthena's POV

       Days passed at patuloy pa rin ako sa pagsunod kay Sam, I prefer Sam than Myrh e. May konting info na akong alam sa kanya. Bukod sa alam ko na ang bahay nya, STEM student sya, fav color nya blue, mahilig sya sa hoodie and baggy pants, matagal na sya sa BSP at scout leader na sya pero di sya yung pinakamataas, since Grade  7 dito na sya nag-aaral, how come na this year ko lang sya nakita?

       Lunch time na namin ngayon at papalabas na ako sa room, iniwan ako ni Sabby e, busy daw sya. Nang nakababa na ako sa first floor, di pa nalabas section ni Sam.

       After a couple of minutes ay lumabas na sila. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko na nakasunod sa kanya si Kiel. Ayaw pa nyang tigilan baby ko!

       "Nag-lunch ka na?" Kiel suddenly said.

       Nakasimangot ako habang nakatingin kay Sam na nakikipag-usap sa isang lalaki habang naglalakad. Well, yung lalaki lang naman ang nagsasalita kasi panay iling o tango lang naman ang tugon ni Sam.

       "Gusto mo sabay na tayo mag-lunch?", rinig kong sabi ni Kiel kay Sam.

       "Hindi na, I'm busy.", tugon ni Sam. That's right Sam, wag kang sasama d'yan, please. Nagseselos ako rito oh huhu.

       "Gusto mo samahan kita? After that, sabay na tayo lunch.", nakangiting wika ni Kiel. Napasimangot lalo ako.

       "No need, I can handle this.", seryosong sabi ni Sam kay Kiel.

       "Ah ok, puntahan na lang kita after class. Bye, Sam.", paalam ni Kiel. Tanging tango lang ang ginawa ni Sam.

       Maya-maya ay lumiko na si Sam papuntang restroom. Oo, nakasunod lang ako sa kanya, yung hindi niya talaga makikita. Gustong-gusto ko kasi talaga siya kaya kahit magmukha na akong stalker niya, ayos lang.

       Pumasok na sya sa restroom at bumilang ako nang sampu bago pumasok. Pumunta na ako sa isang cubicle habang sya ay nasa sink naghuhugas ng kamay. I didn't close the door to see her. Grabe ang ganda nya talaga. 'Di naman nya ako makikita rito kasi nasa dulong cubicle ako. Nakasilip lang ako sa maliit na awang ng pinto.

       Maya-maya ay kinuha nya ang phone nya sa bulsa nya at tinapat sa tainga nya. May tumatawag ata. Psh, sino naman kaya yan? I rolled my eyes sa isipin na may kakausap na naman sa baby ko. Baby daw oh, kapal.

       "Why do you keep on stalking me? Kung gusto mo 'ko, come out. Mag-confess ka, you're such a coward.", napalunok ako sa sinabi nya sa kausap nya sa phone. Parang para sakin yun ah. Sakit, sapul na sapul.

       "You've been following me since last month, sa tingin mo hindi ko mapapansin?", napatago tuloy ako dito sa cubicle.Hala sino kayang kausap nya? Bukod sakin may stalker pa sya? Wala naman akong nakikitang nakasunod na kanya. Di naman siguro ako yung pinapatamaan nya no.

       Maya-maya ay sumilip ulit ako ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong nakatingin sya sa gawi ko while smirking. Dahan-dahan nyang binaba ang phone nya at nagsalita.

       "Why don't you come out now, my stalker? Ms. Salvania?"

       Her smirk gives chill to my body. I'm doomed.

TBC...

Stalking Ms. Grumpy Where stories live. Discover now