Alyzthena's POV
Ayaw ko sanang pumasok ngayon kaya lang bukas na yung event namin! So no choice ako. Here I am sa room namin, breaktime namin pero di ako lalabas. Kanina pa ako niyayaya ni Sabby pero ayoko talaga. Nagbaon na rin pala ako ng lunch para di na ako bababa mamaya, talino ko no.
Nang matapos ang 30 minutes break namin ay nagpatuloy na kami sa pagkaklase.
____________________________
5:30 pm
Hindi muna kami umuwi dahil iffinalize na namin yung activity namin for tomorrow. Kanina pa ako nagtatago dito, para akong may tinatakasan e.
Well, andito rin kasi sya. And again, she looks unbothered.
Nag-aayos kami ng stage and mga upuan dahil may dance at singing contest bukas. BSP ang nag-aayos ng upuan, kami naman ay nasa stage. Inaayos namin yung decoration.
Nang matapos na kaming lahat sa stage at mga upuan ay napagpasyahan kong pumunta muna sa cr. Ako lang mag-isa, may mga gagawin pa kasi kami, di pa kami makakauwi.
Nang makabalik ako ay nakita kong watak-watak ang BSP, siguro hinati sila para ayusin yung mga booths.
Binilisan ko na ang lakad ko when Atom signals me to double time, bilisan ko raw.
"Naghati-hati na kami para sa pag-aayos ng booths, ang bagal mo kasi mag-cr e." Atom said, napakamot tuloy ako ng batok. "Since itong group na lang ang walang SSG Officer, ikaw na lang jan. Yung movie booth ang aayusin nyo. And again, kung tapos na kayo sa booth nyo ay pwede na kayong umuwi. SSG Officers, malaki ang tiwala ko sa inyo."
Napatingin naman ako sa group na tinutukoy nya. Automatic na napalaki yung mata ko nang makita ko na ka-group ko si Sam! Nakatingin sya akin, serious na naman sya. Aangal pa sana ako sa grupo na to kaya lang umalis na si Atom. Hays, pag minamalas ka nga naman.
Five kami lahat sa group na to. Okay lang sana kahit isang daan pa eh basta wala tong isang to.
"So, let's go na sa movie booth." I said while smiling awkwardly.
Abala kaming lahat sa pag-aayos ng booth na to. Mula sa pag-aayos ng mga poster, tickets, at pati na rin ng mismong venue. Dito lang naman sa di gaanong malaking room gaganapin kaya di rin naman kami mahihirapan mag-ayos at magdesign.
I'm currently fixing the curtain, syempre mas maganda pag madilim diba. Napasilip ako sa bintana at nakita kong madilim na. 7pm na rin kasi.
Napatingin ako sa apat na boy scout na kasama ko. Yung tatlo ay patapos na sa task na pinagawa ko at si Sam naman ay di pa, pake ko sa kanya. Maya-maya ay lumapit sila kay Sam at nag-salute. Naramdaman kong lumapit sa akin ang tatlo.
"Ms. Salvania, we're done na po sa pinagawa nyo. Pwede na po ba kaming umuwi? Diba po nagsabi naman po si Pres na pwede na?" Medyo nahihiyang wika nung lalaki, may paghawak pa sya sa batok nya. Siniko naman sya ng katabi nyang lalaki, medyo natatawa naman ang isa pang babae. Anyare sa mga to?
"Ah, sige pwede naman na. Ingat kayo ah." I said while smiling. Pagkatapos nilang magpasalamat ay umalis na sila. Huli na nang ma-realize ko na kami na lang pala ni Sam ang naiwan dito sa loob ng room. Paktay...
TBC...
YOU ARE READING
Stalking Ms. Grumpy
Romance____________________________ DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any character names‚ places‚ incidents are just from the author's imagination. Beware of grammatical errors and typos. ____________________________ Lumiko na si Sam papuntang...