CHAPTER 15

82 11 1
                                    


       It's already 12 in the midnight at masamang nakatingin sakin si Sam. Inabot sakin nito ang isang basong tubig habang hindi nawawala ang sama ng tingin nya sakin. Well, di ko naman sya masisisi. Kahit na ganon ay di ko pa rin maiwasang di mapangiti sa itsura nya ngayon. Ang cute kasi nya sa pink na pajama hehe.

       "Why are you smiling like an idi0t? Kung di mo lang sinukahan ang damit ko, I will never wear this," nagpipigil naman ako ng tawa dahil sa sinabi nya.

       "Don't be mad, nasa washing machine naman na yung damit mo," nakanguso kong sabi sa kanya. "Dito ka na matulog, may vacant room naman here kung ayaw mo kong katabi." I wink at her. Lalo tuloy sumama ang tingin nya.

       If you are wondering what happened, nasukahan ko lang naman sya. Para namang ikamamat4y nya yung suka ko no. Napansin kasi nya kanina na nahihilo at lasing na ako so she insist na ihatid na ako sa bahay. Ipinaalam nya pa ako kay Sabby na iuuwi na. Wala naman akong nagawa kasi di ko na rin kaya. Nung bumaba kami sa taxi nasukahan ko sya hehe. Yun lang, di naman big deal, diba?

       Tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko, ramdam ko pa rin yung hilo ko at banas na banas na rin ako sa suot suot ko.

Third Person POV

       Mariing nakatitig si Sam kay Aly na sobrang lasing. Hindi na nga ito makalakad nang maayos. Lumapit si Sam para alalayan itong makapunta sa kwarto nya. Nakapikit na kung maglakad si Aly.

       Nang makarating sa kwarto ay bumitaw na si Aly. At dahil banas na banas na sya ay dahan dahan na nyang tinanggal ang kanyang suot na dress. Napaiwas naman ng tingin si Sam. Dumeretso nang higa si Aly na ang suot lang ay ang inner clothes nito.

       Napapailing naman si Sam sa nakita nya. Lumapit sya rito at inayos ang pagkakahiga nito. Kinumutan na rin nya ito matakpan ang katawan nito. Di naman nya maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa angking ganda ng dalaga.

       'Beautiful' she said in her mind while looking at Aly sleeping.

       Nang masiguro nya na maayos na ang kalagayan nito ay kumuha sya ng kumot at unan. Doon sya sa couch matutulog. Wala naman syang magagawa dahil hatinggabi na at basa pa ang damit nya.

______________________________

       Kinabukasan, maagang nagising si Aly dahil uhaw na uhaw na sya. Kahit sobrang sakit ng ulo ay pinilit nyang pumunta sa kitchen.

Alyzthena's POV

       Sobrang sakit ng ulo ko, dagdag pa ang nanunuyo kong lalamunan. Nang papunta na ako sa kitchen ay napako ang paningin ko sa couch.

       'May tao?' tanong ko sa sarili ko. Dahan dahan akong lumapit sa natutulog na pumasok dito sa bahay ko. Nanlalaki ang mga mata at kumurap kurap pa. Si Sam?! Bakit nandito?!

TBC...

Stalking Ms. Grumpy Where stories live. Discover now