French Bread (Tagalog)

1K 8 7
  • Dedicated to Lyka Padera
                                    

Ang CORNY na kwentong naisip ko noong Linggo ng Hapon habang kumakain ako ng French Bread. Para sa mahal kong si Tukso at sa mahal niyang si _ _ _ _ <3

French Bread

Kakatigil lang ng malakas na buhos ng ulan nang marating ni Lyka ang Eiffel Bread House. Dito sila nakatakdang magkita ni Gian. Si Gian nga pala ang lalaking kasalukuyang gumugulo sa matino na sana niyang pag-iisip. Ang lalaking twing nasasagi sa isip niya, hindi niya maiwasang hindi mapangiti. Ang lalake na siyang bumuhay sa kanyang natutulog na puso at katawang lupa. Wow. Gwapo daw ni Gian ohh. Hahaha :D

Ang seryoso ko nomon masyado. Okay. Let’s make things smoother ha?

Si Lyka.. Naghihintay kay Gian kasi nga si Gian nagpapahintay. (Ano daw?)

Nasa Eiffel Bread House siya dahil dun sila magkikita. Pero ano nga bang meron sa dalawang ‘to? Gusto niyo malaman? Pilitin niyo muna ako.. :’)

Pero wag na.. Matatagalan pa tayo dun. Mahihirapan pa kayo. At dahil madaldal ako.. Sasabihin ko na. Handa ka na ba? O baka sila hindi pa? Pero handa na ako e! Kaya sasabihin ko na :DDD

 So si Lyka at Gian—may past sila!

Gulat ka ‘no? Ako hindi e. Haha.

Pero hindi naman yung past na as in past na dati sila tapos nagbreak sabay bitter. Past na.. Dati, way way back.. Nung panahon pa ng mga sinaunang Korean Nobela sa Pilipinas.. Nagkaroon ng something between them.

Ito kasing lalake, niligawan si babae. Yun nga lang, si babae bata pa raw kaya hindi siya pumayag. Edi basted si lalake. Kaya yun, sa sobrang depressed niya e nagpakalayo-layo muna siya. Kailangan niya muna raw hanapin ang sarili niya na napahiwalay na sa katawan niya nung moment na sinabi ni Lyka na.. “Sorry. I’m too young for this.. Hindi pa ako handa.”

Charrrrrooooooot.

Maliban pa dun. Gusto din niyang i-glue ang pusong niyang nagkapira-piraso na dahil sa rejection na ginawa ni Lyka. Hayyy. Typical story. Nanligaw si boy. Nabasted. Lumayo.

Feeling ni Lyka e tama yung ginawa niya. Feeling lang niya yung dahil nga feelingera siya gaya ng kaibigan niyang si Charm.  Sige. Sila na mga feeler </3

At yun na nga.. nagtuloy-tuloy ang mga buhay nila. Balik sa normal ang lahat pero hindi normal na gaya ng dati. Si lalake kasi, medyo dumistansya na. Kapal kasi nitong si babae, kung mambasted kala mo kagandahan! (Wag kayong mag-alala. May karapatan si Lyka.. Maganda siya! Hahaha). Kaya yun. Para na silang mga sasakyan sa daan.. May distansya mula sa isa’t-isa.

Makalipas ang 2 taon.. Akalain niyong nagtagpo ulit ang landas nila?

Ito cute à

Kakabreak lang ni Lyka at ng boyfriend niyang si Blue noon. Si Blue, crush yun ni Lyka ng bonggang-bongga.. Tapos niligawan siya. At dahil krasss nga niya, sinagot niya. Dun na yung grasiya, sino ba si Lyka para tumanggi di ba? Pero makalipas nga ang ilang buwan ay humantong din sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa.

Randomness Goes HereWhere stories live. Discover now