Obra Maestra (Tagalog)

1K 5 0
  • Dedicated to Paolo Feliciano
                                    

ASDFGHJKL. Ito yung kinuwento ko sa Finals namin sa Filipino 3 nitong katatapos lang na Summer. Yung kwentong ginawa ko ng isang gabi sa sobrang kilig sa kakabackread sa blog niya. Wahahaha :D Hindi ko pa nakikita grade ko. Pero natuwa naman ang buong klase habang kinukwento ko 'to kaya ayun. Masaya na ako.. Ito ay para sa aking kras dun sa taas. Waaaaaaah. Kinikilig ako XD

Obra Maestra

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang dalagang namuhay  sa maikling panahon lamang. Ngunit  ang panahong kanyang inilagi sa mundong ito ay masasabing naging makahuhulagan. Itago na lamang natin siya sa pangalang Elise.

Si Elise ang nag-iisang anak nina Aiden at Summer. Si Elise ay magandang bata, matalino, masipag at ubod ng bait! Maunawain din siya, maalalahanin, masunurin at magiliw. Lahat ng katangian na hinahanap ng isang magulang sa kanyang anak ay napunta na kay Elise. Kaya naman napakaswerte ng kanyang mga magulang dahil isinilang siya sa kanila.

Mula noong pagkabata pa lamang ni Elise, nakitaan na siya ng sari-saring kakayahan. Mahilig siya sa mga hayop at halaman. Magaling din siya sa pagmamanipula ng kung anu-anong mga bagay, kaya naman ninais niyang maging inhinyero upang masundan ang yapak ng kanyang ama. Maliban sa mga nabanggit, si Elise ay mahusay din sa ibang mga gawain gaya ng pagguhit, pagpinta at paghulma ng mga bagay na may iba’t-ibang hugis gamit ang putik. Marunong din siyang tumugtog ng iba’t-ibang instrumento sapagkat lumaki siya sa kanyang ina na mahilig sa musika. Magaling din siya sa pagpapahayag na pasulat. Masasabing  hindi lang sya maganda at mabuting anak, sagana rin siya sa di mabilang na kakayahan.

Isang hapon noong siya ay nasa ikatlong taon pa lamang sa sekondarya. Umuwi siya sa kanilang tahanan at nagmamadaling tumungo sa kanyang kwarto.

Napansin ng kanyang ina ang kakaibang ikinilos ni Elise. Kaya naman pumasok siya sa kwarto nito at saka nakita na nagpipinta ang kanyang anak. Labis ang pagtataka ni Summer sa mukha ng iginuguhit ni Elise. Iyon ang kauna-unaang pagkakataon na gumuhit si Eliza ng mukha ng isang tao dahil kalimitan, ang kanyang mga ginuguhit ay mga bagay tulad ng kulisap, kuliglig, kuneho o di naman kaya Koreano. At ang kanyang ipininta? Isang lalake na hindi naman pamilyar sa kanyang ina. Naisip tuloy ni Summer na baka nobyo ito ng kanyang anak. At dahil sa labis na interes sa ginuhit ng kanyang anak, nagtanong na si Summer kay Elise.

“Elise, sino ba ang lalakeng iyan?” tanong ni Summer sa anak na hindi pa rin inaalis ang mga kamay sa ginagawa.

“Siya po ang lalakeng pakakasalan ko..” nakangiting sabi ni Elise sa kanya.

Nagulat ang ina sa sinabi ng kanyang anak, “Pakakasalan?!”

“Ma naman.. Hindi ka na mabiro.”

Ah nagbibiro lamang pala.

“Kung gayon, sino siya?”

“Hindi ko po alam.. Basta kanina, habang nasa daan ako pauwi sa atin. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang mukha niya at para bang may bumubulong sa akin na iguhit ko siya..” ang mga mata ni Elise ay nakapako pa rin sa larawan ng lalake.

Randomness Goes HereWhere stories live. Discover now