"Horoscope"
Maaga akong nagising ngayon.. Maaga sa 9:30 na normal kong gising.
7:30 pa lang e nakaligo na ako, nakabihis at ready na umalis sa bahay.
Wah. Pupunta kasi ako sa school ngayon. Magbabayad ako. Malapit na pasukan e. Hindi pa rin ako enrolled. For sure, marami na namang tao dun. Hindi nauubusan ng tao ang school. Haayyy. Kahit maaga ako ngayon.. Wala pa ring mangyayari. Dakilang late pa rin ako sa mata ng mga tao. Marami ng tao ang nauna sa akin. Ang sakit isipin.
Pero ganun talaga. Huwarang estudyante e!
Gabi na nga ako natulog last night, tinapos ko kasi yung Secret Garden. WAAAAAAAAAAAH. Hindi na ako makatulog kasi kumukulog at kumikidlat. Natatakot akong pumikit kasi baka pag gising ko kinabukasan.. Hindi na ako si AKO. Baka nagkapalit na kami ng crush ko. HAHAHAHA :)
So gabi na nga ako natulog.. Pero maaga pa rin akong nagising. Mali. Ginising nga pala. Maaga pa kasi, tumawag na si Sica sa akin. Si Sica nga pala yung kaklase ko..
Hayy. Ang unfair ng buhay para sa akin.
WAEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE? +_+
Ang pangit ng panahon ngayong araw.. Makulimlim. Ayoko ng ganito. Ang sarap kasi matulog e. Nakakatamad kumilos. Ang gusto ko na lang ngang gawin e humiga sa kama ko kaharap ng TV at saka mag Secret Garden marathon ulit. WAAAAAAAAAAH. Kinikilig akow. Kay Han Sun! ASDFGHJKL
Pero nasaan nab a ako ngayon? Ito, naglalakad sa gitna ng kawalan. Mahirap kasi sumakay sa lugar namin. Sa sobrang hirap inaabot pa ako minsan ng isang oras. Asarness. Baka ganun din mangyari sa akin ngayon. Nakakaiyak naman. Nagmamadali ako tapos ganun? Sh-t.
Hindi ako nagpahatid kay Paps. Nag iinsist nga sya naihatid na lang ako pero I refused.
Damn. Wala pa ring dumaraan na sasakyan. Ayoko nito. @_@
Nagsisi naman ako na hindi ako nagpahatid kay Paps. Kahit kaskasero yung tatay ko kung magdrive mas napadali sana ang buhay ko. Shiz.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakbay ko ng may humintong motor na kulay pula sa tapat ko.
Kung maganda ako.. I mean.. Kung tama ako, lalake yung driver. Nasa late teens ata.. Wala siyang sakay. Mag-isa lang siya.
Nakajacket si kuya, nakasuot ng helmet at nakasapatos. Feeling ko, matangkad siya. Mahaba ang legs e. At kahit balot na balot siya.. Feeling ko maputi siya. Maputi ang kamay e.
Nagpatuloy ako sa paglalakad kasi naisip ko na baka may bibilhin siya, nasa tapat kasi kami ng tindahan nun.
"Lalabas ka?" narinig kong tanong niya.
"Ha?" tanong ko rin naman. Hindi kasi ako sigurado kung ako yung kausap niya. May ibang tao rin kasi sa pailigid.
“Tinatanong ko kung lalabas ka na.. Sabay ka na lang.”
Wow Kuya. FC? Hindi nga kita kilala!
Umiling ako, "Hindi po. Maglalakad na lang ako."
Kahit malayo pa ang daan na tatahakin ko at may posibilidad na malate ako, tumanggi ako. Hello? I don't even know him. Ayoko nga sumama sa kumag na ‘to!
"Ganun ba? Sige.."
Tapos ay umalis na siya.
Nakakapagtaka naman, kapit bahay kaya namin yun? Hindi ako sigurado kasi ngayon ko lang siya nakita. Pero hindi ko naman talaga kilala ang mga kapit bahay namin. Hindi kasi ako palalabas ng bahay.
Sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko naman masabi kung gwapo siya kasi nga hindi ko naman nakita ang mukha niya. Nakahelmet nga siya di ba? O.o
Inabangan ko kung mag-ooffer din siya ng ride sa babaeng naglalakad sa unahan ko lang. Pero nilampasan niya lang yun. Hindi siya nag offer ng ride sa kanya. Wae?
Sinundan ko pa rin siya ng tingin hanggang mawala siya (kasama ng motor niya) sa paningin ko.
Nung tuluyan na siyang nawala. Biglang sumagi sa isip ko si Zenaida Seva na sinasabi yung horoscope ko kanina sa UKG..
"Kung wala ka pang love life, ngayong araw mo makikilala ang romantic partner mo.."