Sa gasuklay na buwa'y hiniling
tapat kong luhog nawa'y dinggin
sigaw ng balintataw buksa't iling
sa puso mo'y ipinangunguling.Datapuwa't nobela'y uli't nabuksan
nang pag-ibiga'y pagsaulan
niring apo'y na siyang nagsiklaban
di na maapula't nag-aapuyan.Dangan nabuhay magkabilang mundo
nag kalangita'y muling nagliwanag
pagkat ako'y tinta na sayo'y nagdibuho
at ika'y tauhang nalathala't nalimbagSa muling pagbago ng kapalaran
at paghanap sa tamang daan
tatarok pa kaya aking pagsinta
kung sa dilidili ako'y naparam na.Aking sinta'y pangako'y paniwalaan
tulad ng hiwaga ng gasuklay na buwan
at sa pagsaksi ng munting mga tala
ikaw ang salamisim na habang buhay
itatala.ps.>> ang tula pong ito ay inspirasyon sa nobelang [Salimisim ni Binibining Mia]
pls. vote and comment po!
YOU ARE READING
One hundred one poetries for Psyche [on going]
PoesieHello mga ka numero mabuhay!!! Ang nilalaman po nito ay ang isangdaanpo'tisang tula ng aking isinulat para sa binibining aking sinisinta. Mga hinabing salita na hindi kayang matalastas, mga damdaming hindi kayang sabihin, at pagsintang mananatiling...