49|101. Dapit hapon

3 2 0
                                    

araw-araw palaging inaabangan
ang dapit-hapon ng kahiwagaan
mga naikubling lihim sa lilim
at pagtagpo ng liwanag at dilim.

tulad ng paano'y ulap ay nag-iba
sa kulay mong kahel ako'y namangha
maging pula, rosas, dilaw o lila
sa taglay mong rikit ako'y humanga.

at tulad mo ring naman giliw
sa'king buhay ika'y nagbigay aliw
nagmistulang kulay sa balaraw
at pag-asa sa liwanag na araw.

ngunit higit kitang natipuhan
sapagkat ikaw ang siyang nagpapaalang,
sa pamamaalam sa dapit-hapong tagpuan
ay maaaring mahanap ang kagandahan.


ps.>> [i love sunset, so i wrote about it]

pls. vote and comment!

One hundred one poetries for Psyche [on going]Where stories live. Discover now