12|101. untitled_03

6 2 0
                                    

Ikaw ay isang binibining
kakatwa't pambihira,

Tulad ng sipnayan
singkad ng mga
nakakamanghang
numero, katumbasan
at katanungan
na ang bawat isa'y
may solusyo't kasagutan.

Tulad ka rin ng siyensya
na lipos ng teorya't
eksperimentasyon
Na sa likod nito'y mga
magagandang natuklasan.

Ikaw rin nama'y
gaya ng musika
puno ng liriko, himig,at ritmo
Sadyang kaysarap pakinggan.

Kawangis mo rin ang
mga magagandang sining
sa museyo, na liyeno ng mga
matitingkad na kulay, tekstura
at disenyo, ika'y nakakalugod
pagmasdan.

At higit sa lahat,

Ika'y tulad ng isang tula
Puspos ng bulaklaki't
matatalinhagang mga
salitang tugma, na sinamahan ng
puso't malawak na imahinasyon
kaya nakalikha ng magandang
obra.

Ikaw ay tunay na naaiba sa lahat,
Kaya binibini, tinatangi kita.

pls. vote and comment po!

One hundred one poetries for Psyche [on going]Where stories live. Discover now