Ikaw ang pahinga ko, mahal,
Tahanan na puspos ng pagmamahal,
Dito sa puso ika'y nag-iisa lang,
At wala nang iba pang patlang.Kaya sa araw araw kong pagpinta,
Ikaw lang ang pipiliin ko sinta,
Aking mahiwaga at mahika,
Na bumabalot sa aking mga mata.Sa pasilyo ay nais kang mamasdan,
At dalhin ka sa altar ng dahan-dahan,
Kaya mananatiling ikaw at ikaw,
Na sayo ayaw ko nang bumitaw.Sa panaginip ika'y palaging laman,
Sa guni-guni sigaw ang yong ngalan,
Kaya sa bawat kabanata na binasa,
Tayong dalawa lang sa istorya.Bawat piyesa na aking isusulat,
Ikaw ang palaging paksa at pamagat,
Sapagkat pag-ibig mo ako'y binuhay,
Kaya dito ka na lang habang-buhay.
YOU ARE READING
One hundred one poetries for Psyche [on going]
PoetryHello mga ka numero mabuhay!!! Ang nilalaman po nito ay ang isangdaanpo'tisang tula ng aking isinulat para sa binibining aking sinisinta. Mga hinabing salita na hindi kayang matalastas, mga damdaming hindi kayang sabihin, at pagsintang mananatiling...