23|101. Lakambini

6 2 0
                                    

Ika'y dumatal ni waring nimpa,
Ang rikit mo'y hindi ko maipinta,
Ang iyong mga mata'y kahanga-hanga,
At mga ngiti mo'y tila kasiya-siya.

Sa balintataw ma'y naapuhap ka,
Ni sa mga dili-dili'y kalakip kita,
Hindi ko alam ako ba'y nagayuma,
O sadyang puso ko'y lipos ng mahika.

Ang ibigin ka'y di-masusupil,
Pag-irog ko'y di-mabilang butil,
Sapagkat ika'y pirasong pumuna,
Sa pusong singkad ng pasa-pasa.

Aking Lakambini minamahal kita,
Sapagkat puso ko'y iyong nasiwata.
Ako'y mananatiling iyong kandili,
Kahit hindi ako ang lakan na iyong mithi.

pls. vote and comment po!

One hundred one poetries for Psyche [on going]Where stories live. Discover now