Ilang tinta pa ba ang dapat ubusin?
Upang tula ng pag-ibig ay aking sulatin,Ilang pluma pa ba ang dapat gamitin?
Upang letrang minarka ay aking ukitin.Ilang papel pa ba ang dapat sayangin?
Upang piyesa ng ala-ala ay lathalain,Ilang pahina pa ba ang dapat lakbayin?
Upang laman ng damdamin ay malasin.Sabihin mo, ano pa ang dapat gawin?
Upang iyong pag-ibig ay mapasaakin,Oh, may kailangan ba talaga akong gawin?
Kung sa una't huling kabanata ay di ka naging akin.
YOU ARE READING
One hundred one poetries for Psyche [on going]
PoesíaHello mga ka numero mabuhay!!! Ang nilalaman po nito ay ang isangdaanpo'tisang tula ng aking isinulat para sa binibining aking sinisinta. Mga hinabing salita na hindi kayang matalastas, mga damdaming hindi kayang sabihin, at pagsintang mananatiling...